Goldsmith suportado sa Turf Condition Race
- BULGAR
- Mar 24, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 24, 2023
Paniguradong malaking suporta ang makukuha ni Goldsmith sa mga liyamadista sa pagsalang nito sa Condition Race (20) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Sapagkat ipinapatok ng mga karera tipsters sa programa si Goldsmith na rerendahan ni jockey JT Pabilic.
Makakalaban ni Goldsmith sa karerang may distansiyang 1,200 meter race ay sina Serafina, Hookbung Dagat, Tool Of Choice, Golden Sunrise at Biglang Buhos.
May karagdagang premyo na P10,000 ang nakalaan para sa winning horse owner sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Ayon sa mga karerista sa social media, posibleng maging mahigpit na karibal ni Goldsmith ay sina Golden Sunrise at Biglang Buhos.
"Mahuhusay na kabayo sina Golden Sunrise at Biglang Buhos kaya tiyak na mapapalaban si Goldsmith dyan," saad ni Victor Fajarito, veteran karerista.
Isa pang aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng 10 tigasing kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa pangalawang karera.
Ang mga magtatagisan ng bilis ay sina Frizmatic, Dreamsoftheworld, Runway Ten, Whamos, Pay D Lady, Arigato, Kamahalan, Kain Touchme, Macha Green at Bondi Beach.
Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya inaasahang magiging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Goldsmith (4), Golden Sunrise (4)
Race 2 - Kain Touchme/Macha Green (8/8A), Pay D Lady (5)
Race 3 - Manang Biday (2), Aroma (5), Chase The Gold (7)
Race 4 - Golden Eight (2), Shelltex Gold (7), Jambo (4)
Race 5 - Chrome Soft (2), Rancheros (3)
Race 6 - Great Dane (1), Daldalero (2)
Race 7 - Amelia (10), Pilya (1), Charm N Luck (3), Todo Pong (4)
Race 8 - Jubilum/Amor Mi Amor (7/7A), Coal Digger (13), Jannanigans (3), Since When (2)





Comments