top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Golden Buzzer, harurot sa PHILRACOM RBHS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 15, 2021



Ipinakita ni Golden Buzzer ang husay nito sa karera matapos manalo ng banderang tapos sa naganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System kahapon na ginanap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Umarangkada agad sa largahan si Golden Buzzer upang makauna ng dalawang kabayong distansya sa nasa likuran nitong si Taipan One.


Tinipid-tipid ni class A rider JA Guce ang lakas ni Golden Buzzer kaya naman pagsapit ng far turn ay bigla itong lumayo.


Umabot sa walong kabayo ang agwat ng lamang ni Golden Buzzer kay Taipan One sa rektahan kaya halos hindi ito pinagpawisan nang tawirin ang meta.


"Napakahusay ni Golden Buzzer, kaya pala ganun ang benta niya," saad ni Cholo Legarda, karerista.


Nirehistro ni Golden Buzzer ang 1:18.6 sa 1,300 meter race sapat upang kubrahin ng winning horseowner ang added prize na P5,000.


Dumating na segundo si Taipan One habang tersero at pang-apat sina Happy Kid at Yabba Dabba Doo ayon sa pagkakasunod. Ang event ay inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nagpakitang gilas din ang dehadong si Lady Zip nang manalo sa PHILRACOM Special Invitational Races na nilarga sa unang karera.


Dinaig ni Lady Zip ang mga nakalaban matapos ilista ang 1:20. 8 minuto sa 1,300 meter race. Nasikwat ng may-ari kay Lady Zip ang karagdagang P5,000 na premyo, inisponsoran din ito ng PHILRACOM.


Sinakyan ni Jericho Serrano si Lady Zip, naungusan nito si Money In My Pocket na dumating na segundo at ang terserong si Angel Brulay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page