Gold ng Russia sa Winter Games bitin dahil sa drugs?
ni MC - @Sports | February 11, 2022

Hindi pa rin natatanggap ng Russian figure skaters na nagwagi sa team event sa Beijing Winter Olympics noong Lunes ang kanilang gold medals dahil positive umano sa drug test.
Kasabay nito tumanggi na magkomento sa USA Today at sa The Guardian ang International Olympic Committee, International Skating Union, Russian Olympic Committee and international agency na in charge sa drug testing sa Games.
Hindi pa malinaw sa media reports kung kailan nasuring positibo at kung anong substance ang na-trace. Sa ilalim ng Olympic rules, ang performance-enhancing drugs ay may iba't ibang iaatas na multa.
Ang medal ceremony ay ibinitin muna noong Lunes para sa Russian team, habang nakuha ng U.S. ang silver at bronze ang Japan sa kompetisyon.
Maaga pa lang noong Miyerkules, ayon sa IOC, ang "legal consultations" ang nag-postponed ng medals ceremony pero itutuloy din naman ito kapag naayos na ang lahat.
"A situation arose at short notice that requires legal consultation," ayon kay IOC spokesperson Mark Adams. "You can bet your bottom dollar we are doing everything that this situation can be resolved as soon as possible. I cannot give you any more details but we will do our utmost."
Sinabi naman ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na hihintayin muna nila ang official statements bago magkomento.
Si Kamila Valieva, ang 15-anyos na unang nakagawa ng quadruple jumps sa kababaihan sa Olympic competition, ay isa sa apat na ROC athletes. Ang tambalang dancers na sina Anastasia Mishina at Aleksandr Galliamov, at Mark Kondratiuk ay nasa team na rin.





Comments