top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Gold 'N Silver, mahusay sa Handicap System

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 21, 2023


Ipinakita ni Gold 'N Silver ang kanyang husay at walang nagawa ang kanyang mga nakatunggali kaya nasikwat nito ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Sabado ng hapon.


Mabilis na umarangkada sa largahan si Gold 'N Silver at makalipas ang ilang metro ay kinuha na nito ang unahan at makalamang ng dalawang kabayong agwat sa mga nasa likurang sina Bordelle at Batas Kamao.


Pagdating ng far turn ay nakipagtagisan ng bilis si Batas Kamao kay Gold 'N Silver para magpahirapan sa unahan ang bida hanggang sa huling kurbada.


Sa rektahan ay pagalingan sa pagdadala ang mga hinete at huling 150 metro ng laban ay umungos si Gold 'N Silver para manalo ng banderang tapos.


Sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema ang Gold 'N Silver na tinawid ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang Batas Kamao.


Inirehistro ng Gold 'N Silver ang tiyempong 1:00.6 minuto sa 1,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JJ Lagasca ang P10,000 added prize.


"Magaling at matapang sa unahan, mainam pa ang tiyempo at dahil batang kabayo ay mas mag-uumento pa 'yan sa mga susunod na laban," saad ni Dennis Salazar, veteran karerista.


Samantala, dumating na tersero ang Apollo habang pumang-apat ang Flying Eagle na nirendahan ni Claro S. Pare sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page