top of page

GOGGLES NA GINAMIT NI CESAR SA MURO AMI, FOR SALE NG P1.5 M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 17, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 17, 2024



Isang Antepara deep-sea goggles na ginamit noon ni Cesar Montano sa pelikulang Muro Ami ang inilapit at ibinebenta ng kanyang pamangkin sa Pinoy Pawnstars owner na si Boss Toyo. 


At upang ma-verify kung authentic nga ang nasabing deep-sea goggles ay tinawagan ni Boss Toyo si Cesar at pinakiusapang pumunta sa kanyang puwesto.


Ang ibinigay na presyo ng goggles ay P1.5 M. Hindi alam ni Cesar kung paano napunta sa kanyang pamangkin ang ginamit niyang goggles sa Muro Ami. Ang naitago lang daw na souvenir ni Cesar ay ang poster ng movie. 


Nagkatawaran sa nasabing deep-sea goggles hanggang sa umabot ng P1 M. Pero, hindi na ipinabenta ni Cesar kay Boss Toyo ang goggles. Sa halip ay siya na lang daw ang bibili bilang tulong sa kanyang pamangkin.


Very memorable para kay Cesar ang nasabing goggles na bahagi ng pelikulang Muro Ami. Kinilala kasi ang nasabing pelikula sa ibang bansa at nagkamit pa ng award.


Balak ni Cesar na ipa-frame ang poster ng Muro Ami at isasama na rin niya ang nasabing deep-sea goggles. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page