Gobyerno, nganga lang sa isyu ng mga ismagel na bakuna kontra COVID-19?!

ni Ka Ambo - @Bistado | December 22, 2020
Pinalawig ng Meralco ang “no disconnection policy” hanggang Enero 31.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
Walang opisyal na pahayag ang dalawang water distributors kung ipinatutupad din nila ang “no disconnection policy”.
“Nganga” na lang muna!
◘◘◘
Wala pa ring opisyal na pahayag ang Malacañang kaugnay kung ilang Pinoy na ang nagpabakuna ng COVID vaccine—nang “guerilla type”.
Kumbaga, kolorum ang tukuran—lihim lang!
◘◘◘
Kapag ibinunyag ang datos sa mga Pinoy na may bakuna ng “COVID vaccine”, mapapahiya ang mga government officials na nagpa-ismagel ng bakuna.
He-he-he!
◘◘◘
‘Yan ay hindi naman maililihim, siguro gusto ng IATF na media na lang ang magbunyag kaysa ikusa nila ang datos.
Mas madali kung ide-deny o kukumpirmahin na lang, matapos ang expose!
◘◘◘
Mas mainam kung talagang “transparent” ang mga awtoridad, mas pagkakatiwalaan sila ng taumbayan.
Kapag naglilihim ang gobyerno, mapagkakamalan hindi totoo—ang ilang impormasyon na aktuwal na may katotohanan!
◘◘◘
Walang masama kung magkusa ang mayayamang Pinoy na magpatiuna sa pagpapabakuna ng COVID vaccine.
Ang masama ay kung ninakaw nila ang bakuna o ipinambayad sa bakuna.
Kung sarili ng mga milyunaryo ang salaping ibinayad sa bakuna—may masama ba?
Wala!
◘◘◘
Pero kapag ang mga pulitiko ay lumantad na nauna silang nabakunahan ng COVID vaccine—riyan na magsisimula ang giyera-patani.
Tiyak na pagpipiyestahan sila ng mga kalaban ng gobyerno.
‘Yan ang tunay na dahilan kaya walang opisyal na pahayag ang Malacañang hinggil sa mga Pinoy na nakapagpabakuna!
◘◘◘
Sa Enero, hindi malayong magkamal ng salapi ang mga ismagler dahil tiyak na magpapasok sila ng “colorum” na COVID vaccine.
Kumbaga, iiral ang tradisyonal na “black market”!
◘◘◘
Karaniwan lang ang black market sa epektos kapag naghihigpit ang gobyerno sa pagpasok ng mga imported goods tulad ng sigarilyo, prutas, karne, gulay at shabu.
May maniniwala ba sa gobyerno kapag sinabi nitong “walang black market” sa COVID vaccine?
Hala, sumagot kayo!
◘◘◘
Malaki ang paniniwala natin bago dumating ang bultu-bultong COVID vaccine na in-order ng Pilipinas, kusang eepekto ang herd immunity.
Magkakaroon ng massive vaccination kung kailan—wala nang nagkakasakit ng COVID.
‘Yan ay senaryo na may malaking tsansang maganap bandang kalahatian ng taon!
◘◘◘
Dapat nating maunawaan na kusang naglaho ang pananalasa ng mga naunang virus tulad ng HIV-AIDS, ebola, SIKA, yellow fever, Spanish flu at SARS.
Hindi ito tumatagal nang “dalawang taon” at kusang nalilipasan ng epekto dahil mismo sa “herd immunity”!





Comments