top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gobyerno, mas kaya nang tumugon sa pandemya

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 20, 2021



Sa paglipas ng panahon na nananalasa ang COVID-19 pandemic, masasabing talagang natututo na tayo.


Maging pamahalaan man o taumbayan, kayang-kaya nang makipagsabayan sa pandemya dahil mas alam na ang mga dapat at hindi dapat gawin.


Kaugnay nito, binigyang-linaw ng Department of Health (DOH) na walang pagbabagong ipatutupad sa pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19. Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lalo pang paiigtingin ng ahensiya ang paglaban sa sakit, lalo na at may naitala nang Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.


Giit pa ng opisyal, hihigpitan ang pagbabantay sa border, pagmo-monitor sa mga kaso, pagpapatupad ng minimum public health standards at pagbabakuna.


Bagama’t magandang balita na nananatili sa tamang pagresponde ang pamahalaan sa COVID-19 pandemic, hindi tayo dapat makampante.


‘Ika nga, maraming puwedeng magbago sa mga susunod na araw at linggo, kaya pakiusap sa mga kinaukuulan, sana ay handa tayo sa anumang posibleng mangyari.


Kung kinakailangang baguhin ang pagtugon sa COVID-19, ‘wag tayong mag-alinlangang gawin ito para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.


Ngunit sa ngayon, sana ay tuluy-tuloy lang ang mga hakbang at programa ng pamahalaan para labanan ang pandemya. Pero siyempre, kailangan din natin ang kooperasyon ng publiko, kaya panawagan sa taumbayan, makiisa tayo sa solusyon at ‘wag magdulot ng panibagong problema.


Iisa lang ang nais natin — ang ligtas na salubungin ang 2022. At magagawa lamang natin ito kung lahat tayo ay kikilos para sa ikabubuti ng bawat isa.




Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page