GMA-7, NAGSALITA NA KUNG BAKIT PINATAY SI GABBI SA SERYE NILA NI KYLIE
- BULGAR
- Apr 23, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 23, 2023

Maraming fans ni Gabbi Garcia ang nagtatanong at umaapela sa GMA Network kung bakit daw “pinatay” agad ang kanyang character bilang si Crystal sa Mga Lihim ni Urduja.
Ang ganda pa naman ng role ru'n ni Gabbi dahil may pagka-kikay na fashionista. Swak na swak din ang tandem nila ni Kylie Padilla.
Pero may maganda namang kapalit kahit na tsugi na ang kanyang role sa Mga Lihim ni Urduja.
Kasama si Gabbi sa bagong serye na Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Kasama rin dito si Joshua Garcia. Mas mahaba at mas markado ang role rito ni Gabbi. Malapit na itong umere sa GMA-7.
Paliwanag ng ilang tao sa GMA Network, hindi naman puwedeng sabay na napapanood ang dalawang shows ni Gabbi sa primetime slot, kaya kailangang mawala at patayin na ang kanyang character sa Mga Lihim ni Urduja.




Comments