Glamour Girle, nagpasaya ng liyamadista sa Turf
- BULGAR
- Apr 14, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 14, 2023
Todo-saya ang mga liyamadista nang manalo si Glamour Girle sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Miyerkules ng gabi.
Pinakawalan sa unang race, sinakyan ni jockey Jegir Paano si Glamour Girle na lumabas ng pang-lima sa largahan habang nasa unahan ang matulin na si Sound Of Silence.
Pero pagsapit ng far turn ay nasa pangalawang puwesto na si Glamour Girle kaya naman sa rektyahan ay naagaw na nito ang unahan kay Sound Of Silence.
Tinawid ni Glamour Girle ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Family Affair.
Inilista ni Glamour Girle ang tiyempong 1:26.6 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Melaine Habla ang P20,000 added prize.
Tumersero si Sound Of Silence habang pumang-apat si Burden Of Proof na ginabayan ni RD Raquel. Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, siyam na races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Ganbatte (11), Destin Guest (5), Fast And Easy (2)
Race 2 - Arimunding Munding (1), Grand Laughter (8), Sultanov (4)
Race 3 - Mommy Caring (5), Shanghai Noon (1)
Race 4 - Double Rock (8), Salugnon (5), Jack Of Clubs (2)
Race 5 - Jannanigans (7), Sweet Spot (3), Distinction/Guest Of Honor (1/1A)
Race 6 - Princess Serena (2), Action Rules (5), Bakya Mo Neneng (1)
Race 7 - Prime Time Magic (12), Galloping Ghost (11), Fortress (5)
Race 8 - Trusson (1), Rocking Bell (9), Keynote Speaker (2)
Race 9 - Raxa Bago (13), Saoirse (4), Surplus Boy (11)





Comments