GLADYS REYES, IBINAHAGI ANG MGA LARAWAN SA WAKE NI JACLYN
- BULGAR

- Mar 9, 2024
- 1 min read
ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | March 9, 2024

Nagbahagi ng mga larawan ang aktres na si Gladys Reyes sa kanyang Instagram account kasama ang ibang celebrity sa huling lamay ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose.
Kasama sina Andi Eigenmann, Philmar Alipayo, Coco Martin, Vice Ganda, Alden Richards, and ABS-CBN’s COO for Broadcast Cory Vidanes sa mga makikita sa post ng aktres.
Nagbigay din si Gladys ng isang makabagbag-damdamin na caption.
Aniya, “Sana alam nih Ate Jane @jaclynjose na ang dami-daming nagmamahal sa kanya at kung paano siya nag-iwan ng tatak sa bawat taong nakasama at nakatrabaho niya.”
Patuloy nito, “Sa pagkakataon na 'to, kapuso, kapamilya o kapatid, nagkakaisang karamay ng kanyang pamilya sa biglaang pagkawala ni Ate Jane.”
Isa si Mary Jane Santa Ana Guck o mas kilala sa stage name na Jaclyn Jose sa mga nagbigay ng magandang alaala sa mga palabas na “Ma’Rosa,” “White Slavery,” “Santa Juana” at sa serye na “FPJ’s Batang Quiapo.”
Anyway, makikita na sa mga Instagram account ng showbiz friends ang iba pang photos para sa huling lamay ng aktres.
Sa ngayon, maraming taga-showbiz ang nagpapahatid ng pakikidalamhati at pakikiramay sa naiwang pamilya ng aktres sa comment section.





Comments