top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

GLADYS, KUMITA DAHIL SA PAGHU-HULA HOOP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2023
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 9, 2023



Sa ginanap na post-birthday celebration at pasasalamat ni Gladys Reyes-Sommereux sa mga kaibigan niya sa entertainment press na mahigit dalawang dekada na ay nagpakitang- gilas sila ng Mama Zeny at sister niyang si Janice sa paghu-hula hoop na naging bonding nila sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.


Wala kasing tapings-shootings that time at maging ang catering business nila ay nahinto kaya para maging productive pa rin sila ay naisip ng TV host-actress na gawing content ang paghu-hula hoop nilang mag-iina sa kanyang YouTube channel at bilang exercise na rin.


Aniya, “Mama ko ang naging inspiration ko d'yan. Hindi ako marunong niyan. Hindi ako naglalaro niyan nu’ng bata ako. Pero mahilig akong kumanta sa videoke habang 'yung nanay ko, naghu-hula hoop. Then, sabi ko sa kanya, ‘Ma, pasubok nga niyan kung mahirap bang kumanta habang naghu-hula hoop.’ Noong una, gumagaralgal ang boses ko, kasi tumatama 'yung hula hoop sa tiyan ko. Hanggang sa parang naaano mo, 'yung nakokontrol mo 'yung breathing. May ganu'n! Pati lungs, lahat, nae-exercise. Hanggang sa ‘yun na, magandang exercise, ten songs ako per day.”


At dahil maraming views na ang hula-hoop challenge niya sa YT ay kinuha na siyang endorser ng Wow Fiesta dahil sa kakaibang content nito na kumakanta habang naghu-hula hoop.


“Obvious ba? Kayo lang naman ang nakakatiis sa kabaliwan ko na nagko-concert ako, 'di ba?” natawang sabi ni Gladys.


Kinontak daw siya ng Wow Fiesta, “Nakita nila na naghu-hula hoop ako. So I think parang minessage nila ako sa IG or sa PM hanggang sa nag-meet na kami.


“In-invite ko sila sa Moments. So, meron kaming isang malaking-malaking opening ng parang logo ng Moments, sila ‘yung kasama ko.


“Since then, parang naging kaibigan na rin. Hindi na as ano lang kundi kaibigan. Puro mommies sila, may taga-Batangas, may taga-Calamba. Iba-iba.”


At kung si Sheryl Cruz ay tinaguriang Hula Hoop Queen ng Philippine showbiz ay Singing Hula Hoop Queen naman si Gladys.


Samantala, hindi lang ang showbiz ang pinagkakaabalahan ni Gladys kundi katuwang niya ang asawang si Christopher Roxas-Sommereux sa negosyo nilang catering at client na nila ang Congress. Wedding coordinator na rin sila kaya may booth sila sa gaganaping Wedding at Debut Expo sa SMX sa July 15 at 16.


“Kailangang magsipag, apat ang anak namin, hahahaha!” sambit ng Summer Metro Manila Film Festival 2023 Best Actress via Apag.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page