GLADYS, GUSTUNG-GUSTONG SAMPALIN SI VILMA
- BULGAR
- Apr 12, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 12, 2023

Sa dinami-dami ng nasampal ni Gladys Reyes sa kanyang mga pelikula at TV series dahil sa kanyang pagiging kontrabida, may isang aktres daw siya na talagang pinapangarap niyang masaktan at maapi-api at ito ay walang iba kundi ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.
“Gustung-gusto ko talagang maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi. Mahihiya ba ako, mai-intimidate ba ako kay Ate Vi kapag nandoon na? Baka hindi ko magawa 'yung talagang eksena,” sey ni Gladys sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda.
Pero sa lahat ng nasampal niya at nakaeksena, talagang bumilib daw siya nang husto kay Barbie Forteza nang makatrabaho niya ito sa seryeng Inday Will Always Love You.
“Sa totoo lang, Tito Boy, mas maganda na hindi nandadaya. I've worked with Barbie Forteza, bilib na bilib ako sa batang 'yan kasi 'yung talagang sinasaktan ko siya, totoo.
“Nasasaktan talaga 'yung bata kasi totoong sampal. Doon mo kasi maka-capture 'yung totoong reaksiyon, eh. Kung daya, 'yung totoong pain ba, maka-capture?" sey ni Gladys.





Comments