top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Giyera sa Sudan, tuloy

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12, 2023
1 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | July 12, 2023




Nagbabala ang United Nations matapos ang nangyaring air strike sa isang residential area na ikinamatay ng maraming sibilyan.


Nasa bingit ng full-scale civil war ang Sudan na napinsala dahil sa kaguluhan na maaaring magpahina sa buong rehiyon.


Ang air strike umano ang pinakabagong insidente sa nasabing lugar matapos ang halos tatlong buwang digmaan sa pagitan ng mga karibal na heneral ng Sudan.


Nasa 3,000 ang napatay sa labanan habang ang mga nakaligtas ay nag-report ng mga karahasan. Nagsalita rin umano ang mga saksi tungkol sa ethnically targeted killings.


Nagkaroon naman ng malawakang pagnanakaw kaya nagbabala ang UN sa mga posibleng krimen laban sa kanlurang rehiyon ng Darfur.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page