top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Girls power ng Table Tennis determinado sa SEA Games

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
1 min read

ni MC - @Sports | February 09, 2022





May paglalagyan ba ang Philippine Table Tennis team sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam?


Sasagutin mismo ng apat sa Top 5 women’s team, sa pangunguna ng teen phenom Kheith Rhynne Cruz ang katanungan sa pagsalang ng ‘Girl Powers’ ng Philippine Table Tennis Federation (PTTF) sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Pebrero 10 via Zoom.


Sa edad na 15, batak sa local ang international competition ang Palarong Pambansa at Batang Pinoy champion na si Cruz. Nakuha niya ang No.1 ranking sa PH Team matapos manguna sa isinagawang National Ranking Championship kamakailan sa Calma Table Tennis Center sa Pateros.


Makakasama ni Cruz, kilala rin sa kanyang Chinese name na ‘Ke Yingying’, sa lingguhang sports forum ganap na 10:00 umaga at itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at Pagcor, sina No.2 Angel Joyce Laude, No.3 Emy Rose Dael at No.4 Jannah Romero, gayundin si PTTF president at dating National mentor Ting Ledesma.


Ayon kay Ledesma, nabigyan ang Philippine Team ng 10 slots (lima sa babae at lima sa lalaki) para sumabak sa table tennis event ng biennial meet na naitakda sa Mayo 12-27 sa Hanoi.


Iginiit din ni Ledesma na buo na rin ang men’s team na kasalukuyan ding nagsasanay sa ‘bubble’ sa Baguio City at inaasahang maliit na pagbabago na lamang ang kakailanganin sa pagtatapos ng National final elimination.


Inaanyayahan ni TOPS president Maribeth Repizo-Merana ang mga opisyal, miyembro at ang buong sports community na makiisa sa balitaktakan na mapapanood din live streaming sa TOPS official Facebook page at YouTube.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page