Girls, kahit virgin, gustong magpabuntis… WANTED WIFEY PARA KAY PAPA P.
- BULGAR

- 10 hours ago
- 4 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 11, 2026

Photo: Piolo Pascual - FB
Gusto na raw ni Piolo Pascual a.k.a. Papa P. na muling magkaroon ng anak.
Pero, dapat daw ay may makita na siyang babaeng makapagbibigay sa kanya ng anak bago siya muling maging ama.
Ani Papa P, “I’m not saying it’s fun to be single, but there are pros and cons. But options-wise, I wouldn’t want to have a kid without a partner, of course. I would want to have a wife first before I have a kid.”
Siyempre pa, sa inianunsiyong ito ni Papa P, ang daming girls na umaasa na sila ay mapapansin ng aktor. Halos lahat ng komento ay naghahangad na sila ay mabiyayaan ng binhi.
May nagbo-volunteer pa ngang kahit one-night stand lang kay Papa P ay willing siyang ibigay ang kanyang virginity. Oh, ‘di ba, ‘kaloka!
Sey pa ng isang netizen, “You can totally get married now — you’re already 50!”
May nagkomento pang, “Alessandra de Rossi, single at compatible kayo.”
Ayon naman sa isa, “Okay, gawin na ‘yang pa-contest, The Search for Wifey ni Papa P.”
Sabagay, okay din naman ang suggestion ng commenter. Why not, coconut, ‘di ba?
BINI, narinig n’yo ‘yun?
SB19, BUBUO NG FEMALE VERSION NILA
SI Pablo (John Paulo Nase) ng SB19 na ngayon ang presidente ng 1Z Entertainment matapos mag-serve bilang founder-CEO (Chief Executive Officer) ng SB19.
This time, nag-transition siya bilang president ng 1Z Entertainment, kung saan magpo-focus siya sa artistic vision at roster expansion ng kumpanya.
Ito ay inianunsiyo sa press ni Yani de Dios, ang nag-take over bilang CEO ng 1Z na dating COO (Chief Operating Officer) ng kumpanya.
“Building 1Z from the ground up alongside my fellow artists has been one of my proudest achievements. As we grow, it’s essential to bring in leaders who share our passion for Filipino music and have the expertise to scale our operations,” ani Pablo.
Sumali rin sa ahensiya si Celine Ferros bilang General Manager matapos ang kanyang tenure sa Warner Music Group, kung saan ipinahayag niya ang kanyang intensiyon na suportahan ang local talent.
“This leadership team positions 1Z Entertainment to drive innovative projects, elevate Philippine artists, and confidently lead the company into the next era with strategic vision, creative focus, and unified purpose,” anila.
Dagdag pa ng management, “The company reinforces its commitment to professionalizing the local music landscape — a dedication rooted in its founding by five Filipino artists and visionaries.”
Bukod sa kanilang male group singers, magde-debut din daw sila ng new girl group ngayong taon.
Anila, “We want to make sure that these girls are really new to the scene. No exposure yet or anything. I think puhunan nila ‘yung pangarap talaga nila. Once makita ninyo sila during the launch, they’re very different.”
“We had to make sure that these girls are ready, especially with SB19 paving the way and for other groups coming in. We need to make sure that these girls are prepared and ready — not just PR-wise, but also with the talent. We want to make sure these girls are at the same caliber as SB19,” dagdag pa ng Marketing Communication manager na si Gallahan East.
Bongga! Madaragdagan na naman ng mga magagaling na performers ang ‘Pinas.
Inaalok ng TV5, dedma…
ANGEL, ANNE AT JUDAY, ‘DI NASILAW NG PERA, LOYAL SA DOS
MARAMING Kapamilya artist ang inaalok ng TV5 na lumipat sa kanilang network. Pero sa kabila na ang iba ay nahikayat nang umanib dahil sa malalaking offer, tatlong aktres umano ang nanatili sa Kapamilya Network – sina Angel Locsin, Anne Curtis at Judy Ann Santos.
Ayon sa mga lumalabas na impormasyon, kabilang sa mga iniaalok ng kabilang network ang mas mataas na talent fee (TF), bagong proyekto na may malalaking budget, at mas agresibong exposure sa iba’t ibang platforms.
Speaking of platforms, parang hindi naman totoo na mapapasikat nila ang pangalan ng mga artistang galing sa ABS-CBN dahil sa totoo lang ay kilala na ang mga ito.
Ang pangamba pa nga, imbes na lalo silang sumikat ay baka lumubog pa, tulad ng nangyari sa mga lumipat sa Kapuso Network.
Sa loob ng maraming taon, ang tatlong aktres ay naging bahagi ng ilan sa pinakamalalaking proyekto sa telebisyon at pelikula. Mula sa mga teleseryeng tumatak sa masa hanggang sa mga pelikulang naging box office hits, napatunayan nila ang kanilang husay at versatility sa pag-arte.
Ang pananatili nina Angel, Anne, at Judy Ann sa ABS-CBN ay hindi lamang balita — isa itong patunay na sa kabila ng lahat, may mga artista pa ring pinipiling manatiling tapat sa kanilang pinagmulan, dala ang respeto sa kanilang nakaraan at ang paniniwala sa mas matibay na kinabukasan.
Hindi nga ba’t itinanggi na ni Juday na lilipat siya sa anumang istasyon?
Komento ng mga netizens:
“Itong tatlong ‘to na walang kaarte-arte, kahit sino ang makasalamuha nila, puwede.”
“Proud of you, Miss Judy, Miss Anne at Miss Angel Locsin.”
“That’s loyalty! Solid ABS-CBN #1 forever.”
“Good decision, guys. Mas marami kayong projects ‘pag sa ABS-CBN kayo manatili. Proven na ‘yan.”
“Lahat naman ng umalis sa ABS, nasa basurahan ang career.”
“Kaya rin sila naging premyado ay dahil sa brand na binuo ng network sa kanila at ‘di ‘yun kayang dalhin sa iba.”
“Si Derek Ramsay, sa kasikatan n’ya, biglang lumipat, ayun, nalaos bigla.”
“Thanks sa loyal 3 great stars.”
“Kapamilya forever.”
“Money is the root of all evil.”
“It shows lang na these 3 beautiful actresses ay ‘di mukhang pera. Good decision.”
“Kaka-proud talaga si Juday, never pa lumipat sa kahit anong channel, pero s’ya lang ang nakaka-guest kahit ‘di Kapuso.”
Ganern?




Comments