Gintong Hari sa PRHTAI, horseracing expo sa Cainta
- BULGAR
- Oct 17, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 17, 2023
Kuminang sa pista si Gintong Hari sa PRHTAI Special Race noong Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City. Ang karera ay paggunita kay late Juan Sordan na dating presidente ng PRHTAI (1986-1988).
Pag-arangkada sa largahan ay sinundan agad ni Gintong Hari ang matulin na si Oradas Gray hanggang sa far turn. Nanatiling matatag si Gintong Hari kaya nanalo ito ng may apat na kabayong agwat sa pumangalawang si Hot Rot Hearts.
Nirendahan ni jockey Conrad Henson, inirehistro ni Gintong Hari ang tiyempong 1:26.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P180,000 habang napunta kay Hot Rot Hearts ang 2nd place prize na P57,500.
Sinikwat ng 3rd placer na Dugong Bughaw ang P37,500, napunta ang P15,000 sa pumang-apat na si Seychelles habang P10,000 ang sinungkit ng winning trainer sa event na inisponsoran ni VB Leonardo Javier Jr. Samantala, may 13 karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista.
Lahat ng karera na pinakawalan ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.
Samantala, idaraos ang pinakamalaking event para sa horse enthusiasts sa Nob. 14-16, 2023 sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal. Ang first-ever Philippine Horseracing and Breeding Expo ay unang matagumpay na idinaos sa MJCI sa Carmona, Cavite noong Oct.
14 to 16, 2022. At ngayon ay itinatampok ng Philippine Racing Commission ang pinakabagong expo ng mga hinete, kabayo, horse trainers, horse owners, race clubs, race callers, grooms at veterinarians.
Upang higit pang mapalapit sa masa ang horse racing sa labas ng race tracks lalo na sa kabataan ay itinaguyod ito ng PHILRACOM sa layunin na ang ikalawang expo na ito ay makapagpaabot ng tulong pinansiyal sa kawanggawa at makalikha ng trabaho at maipakita na ang industriya ng horse racing ay isang family entertainment.





Comments