top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ginisa ni Boy, ‘di nakapag-deny… DAVID, BUKING NA MAY GF NA AKTRES

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 8, 2023




Aliw na aliw kami sa reaksiyon ni David Licauco habang gini-grill siya ng King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa kanyang love life.


Si David at ang ka-love team niyang si Barbie Forteza o FiLay ang guest sa Fast Talk with Boy Abunda aired last Monday at talagang nagisang parang bawang ang aktor.


In fairness kay Kuya Boy, may baon siya talaga dahil alam niya at kilala niya kung sino ang non-showbiz ex-girlfriend ng aktor na never nitong ini-reveal in the past.


Tinanong ni Kuya Boy si David kung single ito at mabilis na sagot naman ng aktor “Yes, I’m single.”


Pero kontra agad ni Kuya Boy, “Hindi naman ako naniniwala, nagkabalikan kayo, eh.”

Tanggi ni David, “Hindi, hindi kami nagkabalikan.”


Sabi ulit ni Kuya Boy, hindi niya papangalanan ang girl dahil private person ito at ikinagulat ni David na kilala ito ng TV host.


Hirit pa ni Kuya Boy, “I know you're separated. Naghiwalay kayong dalawa and then ang alam ko, there was another guy involved na kilala nating dalawa. Was that the reason, David, why you got back?”


Halos hindi na makasagot si David at hindi na niya alam ang sasabihin. Aliw na aliw naman kami sa reaksiyon ni Barbie habang tinitingnan niya rin ang reaksiyon ng ka-love team.


“Yeah, I would say that was the reason behind the breakup. I mean, among other things, ayun ‘yung pinaka-main reason,” ani David.


Pagbubuking pa ng TV host, very pretty and smart daw ang girl at gusto na raw nitong mag-settle down pero hindi pa ready si David.


“Yeah, I’m not ready,” tila nahihiyang pag-amin ng aktor. “‘Cause go-getter kasi ako and mas gusto ko 'yung career muna, and siya kasi, nasa stage na siya ng…”


At natatawa niyang dugtong, “Hindi ko gets bakit alam n’yo. Bakit? Parang wala naman akong sinabihan.”


Pati si Barbie ay tawa nang tawa habang ginigisa ni Kuya Boy si David.


Tanong ulit ng TV host, “Nagkabalikan ba kayo?”


Pag-amin naman ni David, “Nagkabalikan kami pero nag-decide kami na maghiwalay na."


When asked kung nagselos nga ba siya sa isang aktor, umamin din si David at aniya, “Yeah.”


After this ay inihinto na ni Kuya Boy ang pag-grill kay David pero binanggit niya na nu’ng nasa ABS-CBN pa ang aktor ay naging tahimik din ito tungkol sa kanyang naging girlfriend doon na ngayon ay may boyfriend na, and obviously ay isang aktres.


“If you want me to name names, I’ll name names,” sabi ni Kuya Boy.


Natatawang sabi naman ni Barbie, “Parang wala po siyang gusto sa mga nangyayari ngayon, Tito Boy.”


In fairness kay David, very sports naman siya at ang cute niya habang dumadaan sa ‘ordeal.’


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page