Ginaya na rin ng mga celebs... TIKTOK VIDEO NI MARIAN, 160 M VIEWS NA
- BULGAR
- Aug 28, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 28, 2023

Nakaka-tatlong dance videos na sa TikTok si Marian Rivera at ang latest dance video nito ay ang Sabay-Sabay Tayo na hindi lang ang song na siya rin ang kumanta ang pinasikat, pati ang mga dance moves. Mas alam ng mga fans at non-fans ni Marian ang Sabay-Sabay Tayo na within two hours ay may 5.1 million views na agad.
Ang first TikTok dance niya, more than 160+ million na yata ang views, at ang second TikTok dance niya na ginamit ang song ng Burna Boy na It’s Plenty ay may 100 million views na. Hintayin natin kung ilang milyon ang aabutin ng views ng third dance video ni Marian after one week.
Isa sa mga most requested na dance videos ng mga fans ni Marian itong Sabay-Sabay Tayo together with Marimar at umaasa ang mga fans na isusunod na ito ni Marian. Ang request pa ng kanyang mga fans, ang original costume na ginamit ni Marian sa Marimar ang isuot niya kapag may dance video na, tama na raw ang t-shirt, sweatpants at cap.
Sana raw, dress naman ang isuot niya.
Sa mga nag-comment na ayaw na nila ng dance video ni Marian, ibang content naman daw. Ang sagot ng mga fans ni Marian sa mga nagrereklamo, ‘wag silang manood kung ayaw nila at hindi para sa kanila ang mga ginagawang dance videos ng aktres.
Samantala, ini-report din sa TV Patrol ang mga dance videos ni Marian. Kasama sa report ang mga maraming gumaya sa dalawang dance videos ni Marian at ang pinaka-latest ay si Vhong Navarro. Pinakakuwela sa amin ay ‘yung mga lalake na nagsasayaw habang nakaupo. Tinamad silang tumayo.





Comments