top of page

Ginaya ang katapat na si Willie… DINGDONG, NAMUMUDMOD NA RIN NG DATUNG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2024
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary| August 25, 2024


Showbiz News
Photo: Willie Revillame & Dingdong Dantes / FB

Para na rin palang si Willie Revillame si Dingdong Dantes. 


Kung namumudmod si Kuya Wil sa programa niyang Wil To Win (WTW), ngayon ay ginagawa na rin ito ni Dingdong sa Family Feud (FF) kung saan magkatapat ang kanilang programa. 


Kapag hindi kumpletong nasasagot ng team contestant ang tanong ay kukuha ang aktor sa audience para sumagot ng tama. ‘Pag nasa board ang sagot, bibigyan siya ni Dingdong ng P5 thousand. 


Isang audience lang sa isang category question ang bibigyan ng pagkakataon ni Dingdong na sumagot. 


Sey ng mga supporters ng WTW, gaya-gaya na rin daw si Dingdong kay Kuya Wil.

“Walang originality,” sey ng isa.


Ano kaya ang reaksiyon ng aktor sa komentong ito? 



Ganern, Vice? BELA, ‘DI RAW BAGAY SA SHOWTIME DAHIL MATALINO


Showbiz News
Photo: Bella Padilla / FB

Sa EXpecially For You (EFY) segment ng It’s Showtime (IS), may tanong si Kim Chiu sa searcher participant, “Kunwari, ikaw ang na-fall out of love, kasalanan ba ‘yun?”


Sagot ng participant, “Hindi.”


“Personal na tanong na ba ‘yan, Beshie?” ani Darren Espanto kay Kim, kaya kinalabit siya nito at sinabing “Para kang baliw.”


Na-curious lang daw silang mga hosts kung ano ang isasagot ni Kim. Parang may halong inis naman si Kim kay Darren, pero sinagot din n’ya ang tanong. 


“Hindi naman kasalanan ‘yun, wala namang kasalanan pagdating sa love. Kasi nagmahal ka lang, tapos nawala lang, so ‘di s’ya mali. Hindi mo naman nako-control ang love, kasi ‘yung love, malaking bagay na ‘di mo talaga maipaliwanag,” wika ni Kim.


Heto naman ang komento ng mga netizens na may parinig sa ex niyang si Xian Lim…


“Buti pa si Kimmy ay ‘di bitter sa mga sagot, palaging positive, eh, ‘yung si X, susko, parang kasalanan pa ni Kimmy.”


“Naku, kung si Bea Alonzo ‘yan, hanggang ngayon, bitter pa rin ang sagot about Gerald. Kaya Kim has a lot of blessings coming her way, bless your heart Kim and ang prayer ko para sa ‘yo, mahanap mo na si Mr. Right.” 


“Grabe ka @darrenespanto, pasimple kung bumanat kay Kimmy.”


“Good job, Kimmy. You don’t have to explain too much, we get it and I love you.”


“Napaka-natural ni Kimmy, ang cute mag-asaran ng mag-bestie - Darren, Bela at Kim (DaBeKi).”



Ibinida ni Diwata ang kanyang pinakaunang billboard sa EDSA. Sinadya pa talaga niya ang lugar upang kumpirmahin kung totoo nga na may electronic billboard siya. 


Makikita roon ang kontrobersiyal na success story ni Diwata at ilang pagbati sa kanyang kaarawan.


Kamakailan, ibinahagi rin ni Diwata ang panibagong negosyo na kanyang binuksan. 


Labis naman ang pasasalamat ni Diwata na sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikita ng publiko ang mukha niya sa billboard sa EDSA.


Ang billboard ni Diwata ay makikita sa kanyang Diwata Pares Overload Official account sa YouTube (YT). 



May bagong posted video si Bela Padilla kung saan nagda-drive siya papunta sa noontime show na It’s Showtime (IS). 


Aniya, “Demure, mindful and cutesy era.


“BTW (by the way), I love how easy it is to book cars with @hertz.ph I’ve been using Hertz for years now especially when I’m in new countries or cities that I want to explore! So convenient!”


“Wow, aren’t you scared of driving in the Philippines?”


Sagot ng aktres, “Got my students permit at 16 and my license 6 months after that... So I’ve been driving in Manila for half of my life now.”


Sey naman ng isang netizen, “@bela sana d’yan ka na lang sa Showtime.”


Isang netizen naman ang nagkomento na ikina-disappoint ng aktres, “I saw you on that show with Vice Ganda and her gang. I have to say it doesn’t suit you, you come across as a smarter actress and intelligent filmmaker. All these nonsense shows with their stupid cheap jokes at the expense of their guests are not you. I’m just saying.”


Hindi nagustuhan ni Bela ang komento ng netizen.


“I totally disagree. If one is truly smart, they can adapt to any environment. I always have the best time when I’m on Showtime. I genuinely love talking to people and making them laugh and I am self deprecating enough to be laughed at too so it goes both ways… I’ve been regularly visiting Showtime since 2017 and I’m lucky that Vice and “her gang” always make me feel welcome and never oblige me to let go of what I really am, which is a filmmaker,” pakli niya sa commenter. 



Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page