Ginawang playground nina Kim, Jhong, Amy, etc. nang dumalaw… BAHAY NI VICE, MALA-MALL OF ASIA
- BULGAR

- Jan 14, 2021
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | January 14, 2021

Sinugod ang bagong bahay ni Vice Ganda kamakailan ng mga kasama niyang hosts sa It's Showtime na sina Amy Perez, Jhong Hilario, Ryan Bang at Kim Chiu.
Aliw na aliw naman ang apat na It's Showtime hosts sa valour (read: bahay) ni Vice lalo na sa mga kakaibang furniture gaya ng nakatayong black leather sofa at malaking imported black horse lamp.
Sa video na naka-upload sa YouTube channel ng Vice-Ion exclusive, mapapanood ang nakakatuwang pagbisita nina T'yang Amy, Makati Councilor Jhong, Ryan at Kim.
Sa living room pa lang ng bahay ni Vice ay makikitang super nag-enjoy na ang mga co-hosts niya sa It's Showtime.
Sa panimula ng video ay maririnig ang boses ni T'yang Amy na nagsabing, "Parang ignorante."
Ang tinutukoy ni T'yang Amy ay si Jhong na nakatayo at kung anu-anong pose ang ginagawa habang nagpapapiktyur sa nakatayong black leather sofa.
Sigaw naman ni Vice sa video, "Winawasak po nila ang bahay ko. Hahaha!"
Ginawang "playground" ang living room ni Vice ng mga co-hosts niya sa It's Showtime. Nag-enjoy si Kim na parang batang nagpaikut-ikot ng sarili habang nakaupo sa kakaibang round chair ni Vice.
"May mga batang nakawala," tukoy ni Vice kay Kim na tuwang-tuwa sa round chair.
Pagkatapos ay itinutok naman ang kamera kay T'yang Amy na masayang kinukunan ng video si Kim.
"'Yung nanay niya po, saka 'yung anak niya, oh, ginawang playground po ang bahay ko,"
natatawang sabi ni Vice.
Pagkatapos ay ang black horse lamp naman ni Vice ang gustong sakyan ni Kim.
Say ni T'yang Amy kay Kim, "'Pag sinakyan mo 'yan, 'Nak (tawag niya kay Kim), malaki ang babayaran natin. Hindi natin kaya (ang presyo)."
Lakas ng trip naman daw, sabi ni Vice, nu'ng magpapiktyur sina Jhong, T'yang Amy at Kim sa nakatayong sofa.
Next stop ng pagbisita sa valour ni Vice ng It's Showtime hosts ay sa kanyang kuwarto.
Napagtripan naman nina Kim at T'yang Amy ang bonggang walk-in closet ni Vice habang kinukunan ng video ni Chinita Princess. Nasa portion din ng video na 'to ang nakatatandang kapatid ni Kim na si Lakambini.
"T'yang Amy, nasaan tayo?" tanong ni Kim kay Amy.
Tugon ni Amy, "Nandito tayo ngayon sa Hong Kong. Uhm, mamimili tayo. Ano 'to, 70% discount. Actually, hindi na nga tayo mamimili, eh. Kahit ano'ng gusto mo rito, dalhin mo na lang."
Narito naman ang ilang comments ng mga netizens sa napanood na video…
"Ang sarap makasama ng Showtime hosts, playtime kung playtime. Family talaga sila. Ito 'yung dream kong group of friends, walang kj, walang maarte, walang pabebe. Go lang, enjoy. Anne. Kim. Vice. Jhong. Vhong. Ryan. Teddy. Karylle. T'yang Amy. Jugs. God bless."
"I love idol Kimmy and all Showtime hosts. Love u. Congrats, Meme Vice."
"'Yung walk-in closet ni Vice, pang-department store."
"Ano ba 'yan, bahay o Mall of Asia? Haha! Ang ganda, puwedeng mag-window shopping saka shoplifting, ahaha."
"Kakatuwa si T'yang Amy, hahaha! Para siyang nanay na bini-video-han 'yung anak niyang si Kim Chiu, hahaha."
"Thanks, Meme Vice, for giving us (madlang pipol) a chance to take a glance at your beautiful house."
Sana all.
Anyway, ang It's Showtime ay napapanood mula Lunes hanggang Sabado at 12 NN sa A2Z Channel 11 at sa digitalized Channel 20, TFC, Kapamilya Online at iba pa.




Comments