top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ginawang assistant ng pangulo… MISTER NI DAWN, P247 M ANG IDINONEYT SA CAMPAIGN NI BBM

BULGAR
Jun 20, 2022
2 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 20, 2022



Woooooow, grabe pala ang yaman ng mister ni Ms. Dawn Zulueta na si dating Davao del Norte Representative Anton Lagdameo, Jr., ha?!


Kung akala natin na si Gretchen Barretto a.k.a. La Greta lang ang mala-donya dahil ‘ika nga, nakapag-asawa ng mayaman, aba, silent billionaire na rin pala si Dawn dahil sa kanyang yayamanin na, guwapo pang mister, ha?


Nakita kasi namin ‘yung isang Instagram post ni Anthony Taberna a.k.a. Ka Tunying na tungkol sa ‘Top Contributors’ sa campaign ni President-elect Bongbong Marcos, Jr.

And guess what?!


Well, ang name lang naman ni ex-Rep. Anton Lagdameo ang No. 1 kung saan ang nakalagay na diumano’y naging donasyon nito sa kampanya ni BBM ay worth P247,234,320.09!!!


Oh, ha?! Kineri n’yo ‘yun?! Super-bongga to the highest level, ‘di ba?!!!


Napa-research tuloy kami kung gaano ba ka-close si P-BBM at ang mister ni Ms. Dawn at sa isang interview, sinabi ni Marcos, Jr. na “Since he was a child” ay magkakilala na sila at 10 yrs. na rin daw nagtatrabaho sa kanya ang guwapong ex-solon.


Of course, kahit ang mga netizens ay shocked galore sa pagiging sobrang generous naman ng mister ni Dawn Zulueta.


May mga nabasa kaming comments ng BBM supporters na at least daw, wala talagang galing sa bulsa ng president-elect dahil ayan na, may ‘resibo’ nang si ex-Rep. Lagdameo nga ang nag-sponsor sa kanyang kampanya.


And yet, marami ring nag-comment na ‘payback time’ kaya ang mister ni Dawn ang kinuha at ginawang Special Assistant to the President ni P-BBM.


At in fairness, may sense rin ‘yung comment ng netizen na kung kaya naman daw palang maglabas ng ganito kalaking pera ng mga pulitiko para sa kampanya, bakit hindi na lang ipamigay bilang ayuda sa mga mahihirap nating kababayan?


Naku, naku, naku… hindi pa man, mukhang napi-feel na naming makakaladkad na rin ang name ni Ms. Dawn soon kapag officially ay nagtatrabaho na ang kanyang guwapo at madatung na mister bilang assistant ni P-BBM.


‘Yun bang mala-Sen. Bong Go ang papel kay Pangulong Rodrigo Duterte!


Paaaaak!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page