Ginawa ni Madman, 'di makalimutan… MARTIN, PINATIRA SA BAHAY NIYA SI KZ
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 18, 2022

Nag-celebrate ng 10th anniversary sa showbiz si KZ Tandingan last Sunday (October 16) sa A.S.A.P. Natin 'To.
Nag-perform ang Soul Supreme ng mga kanta niyang Marupok at Imposible with A.S.A.P. colleagues na sina Kyla, Angeline Quinto, Janine Berdin, Erik Santos, Jeremy G. at Elha Nympha.
Touching ang pasasalamat ni KZ sa Concert King at Pilita Corrales Lifetime Achievement awardee sa nakaraang 13th PMPC Star Awards for Music na si Martin Nievera.
Pinasalamatan ni KZ si Martin dahil sa pagkupkop daw sa kanya ng batikang singer nu'ng time na nag-uumpisa pa lang siya sa music industry.
Ang turing ni KZ kay Martin ay kanyang pangalawang ama. Never-never daw niyang makakalimutan ang lahat ng kabutihang ginawa ng icon singer sa kanya at sa buo niyang pamilya.
Tenth year celebration din daw nila ni Martin dahil isang dekada na silang magkasama.
Kaya pala, as I remembered, nang ikasal si KZ kay TJ Monterde ay si Martin ang naghatid sa Supreme Singer sa altar.
'Di napigilan ni KZ ang mapaluha, mahigpit niyang niyakap ang Concert King.





Comments