top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ginamit sa TikTok… PAOLO GUMABAO, IDINEMANDA NG AFP SA PAGSUSUOT NG UNIFORM NG SUNDALO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 7, 2022



Bagong lay-out ng Mamasapano poster ang sumalubong sa press people sa second media conference ng Borracho Film Production movie na isa sa 8 official entries sa 2022 Metro Manila Film Festival.


White na ang background ng poster at tanging toy soldier na lang ang nasa layout. Saka, hindi na lang poster ang nakita sa presscon, tarpaulin na, kaya malaki at malinaw na mababasa ang credits.


Hindi dumating sina Edu Manzano at Aljur Abrenica sa second presscon ng Mamasapano. Si Aljur, nagpasabing susunod, pero natapos na lang ang presscon na hindi siya dumating.


Sa three lead actors, si Paolo Gumabao na gumaganap sa role ni Supt. Raymond Train lang ang dumating.


Sabi ni Paolo, dream come true sa kanya ang gumanap na sundalo dahil bata pa lang siya, pinangarap na niyang maging sundalo at makagawa ng action movie. Kaya tuwang-tuwa nang kunin na kapalit ni JC de Vera at ayaw magpa-double.


“Hindi na rin ako nag-workshop, may consultant naman sa shooting. Ang characterization ko na lang ang focus ko at okay naman. Honor ko to be part of this movie na ang side naman ng SAF44 ang maririnig at mapapanood,” ayon kay Paolo.


Kasama pala si Paolo sa cast ng movie na idinemanda ng AFP dahil isinuot ang military uniform at insignia sa TikTok. Sabi nito, wala siyang intention na bastusin ang AFP.


“Mabuti at hindi na nag-escalate ang kaso, hindi na umabot sa korte, hanggang fiscal lang.


Hindi ako kinabahan dahil nandiyan si Atty. (Ferdinand) Topacio, pero lesson learned sa akin ‘yun.


Inaamin ko ang kasalanan ko at hindi ko na uulitin. Gusto ko lang i-promote ang Mamasapano na isa sa mga entries sa 2022 MMFF kaya nag-TikTok ako na naka-uniform ng sundalo at may insignia pa,” paliwanag ni Paolo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page