Ginamit sa music video… POLO NI FRANCIS M., NAIBENTA NG P620 K!
- BULGAR
- Apr 4, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 4, 2023

Basta for a cause ay hindi nagdalawang-isip si Pia Arroyo nang kanyang i-donate ang lumang polo ni Francis Magalona na ginamit nito sa music video ng Bagsakan.
Ang napagbentahan ng polo ni Francis M. ay ibibigay sa dating gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee na may lymphoma. Nangangailangan siya ng malaking halaga para sa kanyang pagpapagamot.
Ang rapper-content creator na si Boss Toyo ang nanalo sa bidding nang ipa-auction ang polo ni Francis M. Naibenta ito sa halagang P620K, habang ang polo naman ni Chito Miranda ay naibenta sa halagang P150K at ang polo ni Gloc-9 ay naibenta sa halagang P80K.
Ang tatlong polo na nabili ni Boss Toyo ay nakadispley sa opisinang pagmamay-ari rin nito na tinatawag na Pinoy Pawnstars.





Comments