Ginamit pa raw na content sa YouTube vlog… CRISTY, AWANG-AWA KAY MC SA PAMAMAHIYA NI VICE
- BULGAR

- May 28
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 28, 2025
Photo: Vice, MC, Cristy Fermin - Vice Ganda, Showbiz Now Na, YT
Hindi nagustuhan ng TV host and veteran entertainment columnist na si Cristy Fermin ang ginawang vlog ni Vice Ganda na inilabas sa YouTube (YT) channel nito few days ago.
Mapapanood kasi sa nasabing vlog ang buong-ningning na pagtalak ni Vice sa kaibigang stand-up comedian na si MC Muah dahil hindi raw ito marunong makisama.
Ang video ay kuha nang magbakasyon si Vice sa Palawan kasama ang mga kaibigang pawang mga stand-up comedians.
Sa kalagitnaan ng video ay biglang sinabi ni Vice na nabubuwisit siya kay MC dahil sa ginawa nitong pagpapahintay sa mga kasamahan.
“‘Pag kayo, may rampa kayong grupo, ano’ng mararamdaman n’yo kung ‘yung kasama n’yo, papasok sa kuwarto, tapos lalabas kung kailan n’ya lang bet, tapos hihintayin natin s’ya?
“May gagawin kayo, tapos papasok na naman sa kuwarto. Tapos, hihintayin mo na naman s’ya at ‘di mo alam kung kailan s’ya lalabas. ‘Di ba nakakabuwisit?
“I chose to be with all of you now. I chose to be with all of you this vacation. Kasi puwede naman kami na lang ulit ng mga nanay ko lumabas, ‘di ba?” litanya ni Meme.
Napanood din ni ‘Nay Cristy ang nasabing vlog at awang-awa siya kay MC sa pamamahiyang ginawa ni Vice sa kaibigan.
“Bilang nanay, bilang isang tao, hindi mo maiiwasang madama ang bigat ng loob ni MC sa mga sinabi ni Vice. Masyado akong naapektuhan para kay MC,” sey ni ‘Nay Cristy sa kanyang Cristy Ferminute (CF) show.
“Lalo na nang makita ko ang pagluha n’ya, ‘yung paghagulgol n’ya, kitang-kita mong hindi ‘yun scripted,” aniya pa.
Para kay ‘Nay Cristy, puwede namang kausapin ni Vice nang sarilinan si MC at hindi na sana umabot pa sa ganu’ng punto na inilabas pa sa vlog.
“Hindi na sana inabot pa sa ganu’ng antas. Puwede namang kausapin si MC off-cam. May mga bagay na hindi na dapat gawing content,” sey ni ‘Nay Cristy.
OPISYAL nang nanumpa si re-elected Senator Lito Lapid sa kanyang bagong mandato sa Senado sa isang simpleng seremonya sa Porac, Pampanga nitong Sabado.
Kasama ang kanyang pamilya, nanumpa si Sen. Lapid sa harap ng kanyang kapatid na si Kapitan Arturo M. Lapid, Punong Barangay ng Poblacion, Porac, Pampanga.
Ito na ang ika-apat na termino ni Lapid sa Senado simula noong 2004.
Nagpasalamat si Lapid sa mahigit 13 milyong botanteng nagtiwala at nagbigay sa kanya ng bagong mandato.
Nangako si Lapid na isusulong ang mga panukalang batas na makatutulong sa mga mahihirap na mamamayan.
“Sa ating mga kababayan na tumulong sa akin at sumuporta, maraming salamat po. Dahil sa patuloy nila akong minamahal ay papalitan ko rin po ito ng pagmamahal at malinis na pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Gagawa at gagawa ako ng mabuting paraan upang mapagserbisyuhan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap. Maraming-maraming salamat po sa suporta at pagmamahal n’yo,” ayon pa kay Lapid.
Si Lapid ang ama ng Free Legal Assistance Act of 2010 (Republic Act No. 9999) o ang tinaguriang Lapid Law na magagamit ng mahihirap na agrabyado sa batas.










Comments