Sen. Bato, ‘di raw pinatakas, isinabay lang… AGOT KAY SEN. ROBIN: SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI?!
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 25, 2026

Photo: FB Agot Isidro & Robin Padilla
Malakas ang loob nina Pokwang at Agot Isidro na i-call-out si Sen. Robin Padilla dahil sa umano’y pagtulong nito sa pagtakas ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
May reaksiyon si Agot sa naging pahayag ni Robin na, “Ang sabi ni Sen. Bato, ‘Sasabay na ako.’ Alangan namang tanggihan ko ‘yun? Walang sasakyan si Sen. Bato dahil inihatid lang s’ya sa Senado ng sasakyan ni Sen. Alan Peter Cayetano.”
Reaksiyon ni Agot, “Sa hina ng ulo mong ‘yan, sa tingin mo, mauuto mo kami?”
May reaksiyon din si Pokwang sa pahayag na iyon ni Sen. Robin. Mas mild ang sinabi nito, “Ipinasyal lang n’ya po. Kasi sa tagal na ‘di na pumapasok sa Senado ni Bato, baka nakalimutan na n’ya ang pasikut-sikot kaya nag-tour lang po sila. ‘Wag po tayong mapagbintang.”
May susunod pa kaya kina Pokwang at Agot na magko-call-out kay Sen. Robin mula sa showbiz?
Speaking of Agot Isidro, may birthday concert siya sa July 17 at 18, 2026 sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC Arts Center billed as The Story of A.I.
Directed ito ni Rowell Santiago at musical director naman si Ejay Yatco.
KAHIT si Dingdong Dantes ay tinawag na ‘Timothée Chalamet of the Philippines’ si Miguel Tanfelix nang mag-guest ang aktor at mga kasamahan niyang cast ng Taskforce Firewall (TF) sa Family Feud (FF).
Ito rin ang tingin ng mga fans kay Miguel dahil kahawig umano niya ang French-American actor na si Timothée Chalamet.
“S’yempre, nakakatuwa, pero kahit ‘di ko masyadong nakikita ang sarili ko sa kanya, natutuwa ako dahil idol ko s’ya at pinapanood ko ang mga projects na ginagawa n’ya.
“Favorite ko ang A Beautiful Boy. Para maikumpara kay Timothée Chalamet, masarap sa pakiramdam, pero sana ‘di lang sa looks n’ya. Gusto ko ring makagawa ng mga materyal na ginagawa n’ya,” reaksiyon ni Miguel sa pagkukumpara sa kanya kay Chalamet.
Anyway, mahaba ang buhok at may bigote si Miguel bilang si Galo Villareal sa TF at may dahilan ang bago niyang look. In fairness, bumagay sa aktor ang kanyang hitsura sa series.
“Ibinabase ko talaga ang look ko sa karakter ko. Dito, may PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder ang karakter ko. ‘Di nakakapag-shave, mahaba ang buhok, walang masyadong time para alagaan ang sarili dahil may ibang bagay s’yang iniintindi bukod sa sarili n’ya.
“Nag-research ako sa karakter ko para ‘di tayo magkamali. Kakaibang approach sa acting. Totoong nangyayari, ayaw nating magkamali, ayaw nating may ma-offend,” paliwanag nito.
Pinag-aralan at nag-training si Miguel para sa kanyang role sa political action series. Nag-training siya sa Air Force at nag-overnight sa Army sa Tarlac. Nag-aral siyang humawak ng pistol at rifle at kung paano ang tamang pagpasok sa building.
“Ang ipapakita namin ay totoong nangyari,” ayon pa kay Miguel, na nakatulong nang malaki sa pagpo-portray ng kanyang role.
Ang Taskforce Firewall ay directed by Rico Gutierrez at Mark Kevin de Vela.
Busy si Miguel Tanfelix, pero nababalanse raw niya ang career at love life. Hindi niya napapabayaan ang girlfriend na si Ysabel Ortega na busy din at may bagong project.
Eman, gets mo?
JILLIAN: ‘DI DATE ANG PANONOOD NAMIN NG CONCERT NI KOBIE BROWN
MALINAW na ang mukha ni Jillian Ward sa poster ng kanyang concert at may title na rin ang July 31, 2026 concert nito. Billed na Jillian ang first major concert niya at kahapon ay puwede nang bumili ng tickets.
May nagtanong kung guest ba sa concert ni Jillian si Eman Bacosa Pacquiao. Saka lang daw siya bibili ng ticket kapag guest ang kanyang idol.
Ang sagot ni Jillian, “Announcing the guests soon!”
Sana nga ay guest si Eman para matuwa ang kanilang mga shippers.
May nagtanong din kung guest ba si Kobie Brown na nali-link ngayon kay Jillian. Sila kasi ang magka-date nang manood ng concert ni Jessica Sanchez last May 16 at pinagtatalunan ng mga fans kung nag-holding hands ba sila habang naglalakad.
Sey naman ni Jillian, hindi date ang panonood nila ng concert, pero hindi naman niya nilinaw kung ano ang maitatawag sa pagsasama nilang dalawa. Ang lumalabas, matagal nang magkaibigan ang aktres at si Kobie Brown at friends din ang kanilang mga nanay.
At least, may iba nang napag-uusapan kay Jillian Ward at hindi na puro trabaho. Ngayon, pati love life niya ay inuusisa na rin.





Comments