top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ginamit ng tatay ang perang nakolekta para sa kanyang pinagtatrabahuan, krimen ba ito?

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 21, 2022



Dear Chief Acosta,


Ang aking ama ay kolektor para sa medical supplier. Nagkaroon sila ng hindi pagkakasundo ng kanyang supervisor kaya nagdesisyon ito na hindi ibigay ng tama sa oras ang kanyang suweldo. Dahil mahirap lamang kami at ang aking ama lamang ang may trabaho ay nagdesisyon siyang gamitin ang perang nakolekta niya para sa kompanya. Ito ay ibabalik naman niya kapag natanggap na niya ang kanyang suweldo.


Sa kasamaang-palad ay nagkaroon ng spot audit ang supervisor nila ng sumunod na araw at hindi niya naibigay ng buo ang halagang nakolekta niya. Ipinaliwanag naman niya ang kanyang ginawa at sinabing ibabalik din niya ito subalit siya ay agad dinali sa mga pulis at kinasuhan ng Estafa. Tama ba ang ginawa ng kanyang kompanya? - Jing


Dear Jing,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 315 par. 1(b) ng Act No 3815 o mas kilala sa tawag na “Revised Penal Code”. Sang-ayon sa nasabing probisyon:

“Article 315. Swindling (estafa). – xxx


xxx

1. With unfaithfulness or abuse of confidence, namely:

xxx


b) By misappropriating or converting, to the prejudice of another, money, goods, or any other personal property received by the offender in trust or on commission, or for administration, or under any other obligation involving the duty to make delivery of or to return the same, even though such obligation be totally or partially guaranteed by a bond; or by denying having received such money, goods, or other property.”


Ayon sa nasabing batas, krimen ang paggamit ng bagay o pera o personal na ari-arian ng ibang tao na ipinagkatiwala sa iba. Dahil dito, ang paggamit ng iyong ama ng perang ipinagkatiwala sa kanya bilang kolektor ay krimen na may kaparusahan sa nabanggit na probisyon ng batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page