top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ginamit lang daw para sumikat… RICCI, NAGSALITA NA SA PAGIGING TROPHY GF NI ANDREA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 28, 2023



Si Ricci Rivero ang guest sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Monday, June 26.


Maraming tinanong si Kuya Boy sa ex-boyfriend ni Andrea Brillantes, like kung totoo bang si Leren Mae Bautista ang third party sa hiwalayan nila ng aktres.


Pinabulaanan naman ito ng basketball player-actor, na kung matatandaan, una na rin namang itinanggi ng konsehala ng Los Baños, Laguna.


Sa tanong kung bakit hindi nila agad ipinaalam sa publiko ang kanilang breakup ni Andrea, ang sagot ni Ricci ay mutual decision daw nila na i-keep muna ang lahat. Pero, tila binalewala niya naman ito dahil siya rin ang unang nagsalita sa social media.


Sa usap-usapan namang ginawa lang niyang ‘trophy girlfriend’ si Andrea, ani Kuya Boy, “Ricci, ‘yung mga usap-usapang ginamit mo si Andrea Brillantes, ‘trophy girlfriend’ para ikaw daw ay sumikat, ano’ng nais mong sabihin?”


Ang sagot naman ni Ricci, “Kung ginamit ko po siya, marami pong offers ang ABS-CBN na sit-down interviews with her, shows with her. Simula po nu’ng naging kami, never po akong nag-yes, lahat po ay nag-beg-off ako. Kasi ayaw ko rin naman pong parang i-connect ‘yung trabaho sa personal relationship ko.”


Kinlaro pa niya na ‘genuine’ ang kanyang feelings para sa aktres, “Sa akin, sobrang genuine ng lahat, eh. Wala sa isip ko ‘yung mga ganyang bagay kasi minsan lang akong mag-girlfriend, eh, bakit sa ganyang paraan ko pa naman gagawin?”


Sa kasamaang-palad, naputol ang interview kay Ricci ni Kuya Boy dahil nagkaroon ng technical problem, kaya ‘di na nagkaroon pa ng pagkakataon ang basketball player-actor na sagutin at bigyang-linaw ang lahat ng issues tungkol sa breakup nila ni Andrea.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page