Gimik lang daw dahil laos na… SARAH, AFTER MAGSORI SA PARENTS SA IG, POST BINURA
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 31, 2022

Nag-disappear agad ang mahabang mensahe na ipinost ni Sarah Geronimo sa kanyang Instagram noong Sabado.
Hindi na makita ng mga netizens ang pinakahuling IG post ni Sarah kaya isang malaking kuwestiyon ang dahilan ng pagkawala nito.
Binura kaya ni Sarah? At bakit niya tinanggal?
For whatever reasons, tanging si Sarah lang ang nakakaalam.
Sa kanyang IG post ay humingi ng patawad sa kanyang mga magulang si Sarah.
As we all know, simula nu’ng ikinasal sila ni Matteo Guidicelli ay nagkaroon na ng gap between Sarah and her family, especially sa kanyang ina na kilala sa showbiz as Mommy Divine.
“Gusto ko ring kunin ang pagkakataon na ito sa paraan din na ito… na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po,” nakasulat sa art card na naka-post sa kanyang Instagram.
Inihayag din ni Sarah ang labis na pagmamahal niya sa kanyang mga magulang.
“Mahal na mahal ko kayo… daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip,” ani Sarah.
Marami ang humanga sa pagpapakumbaba ni Sarah. Dahil d’yan, marami ang kumampi sa singer at nalait ang kanyang mga magulang.
May iba naman ang nagduda sa intensiyon ni Sarah sa pagbasag ng kanyang katahimikan pagkatapos ng ilang taon na ‘di pagkakaayos sa kanyang mga magulang.
“I love Sarah and I am a fan of her, ha? Pero bakit today talaga niya ipinost 'yung letter, sabay ng release ng music video niya ng Dati-Dati. At kahapon din ini-release 'yung 2nd single niya.”
“Same thoughts, wala kasing init 'yung pa-comeback,” pagsang-ayon ng isang netizen.
“Because Dati-Dati is about her family. If she has to beg for forgiveness, baka may something wrong din talaga siyang ginawa,” paliwanag naman ng isa pa.
“Parang hirap siyang makabalik sa career niya dahil 'di sila ok ng parents niya. Kaya she decided na mag-apologize muna. Mema lang ako."
Bukod sa sinasabi nilang “matamlay” na career ni Sarah, ‘di pa rin sila nagkaka-baby ni Matteo.
Maliban na lang kung talagang ayaw pa nilang magka-baby.





Comments