Gimik, bentang-benta… DIREK DARRYL, TODO-PATOL KAY JOEL PARA UMINGAY ANG MOM
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 24, 2023

Maraming kinabog na datihang direktor si Darryl Yap dahil sa kanyang mga walang takot na statements sa mga issues na ibinabato sa kanya ng mga bashers.
Simula nang idirek niya ang Maid In Malacañang, hindi na siya nawalan ng kontrobersiya. Hindi siya natatakot na banggain ang isang premyadong direktor na tulad ni Joel Lamangan.
Para naman sa ilang netizens, diskarte ito ni Direk Darryl Yap upang mag-ingay at mapansin ng publiko ang kanyang mga pelikula. At naging successful naman ang kanyang style dahil kumita nang malaki at pinag-usapan ang Maid in Malacañang.
Ngayon, ang part 2 ng movie na Martyr or Murderer ang kanyang ibinebenta sa mga moviegoers kaya tuluy-tuloy pa rin ang patutsada ni Direk Darryl sa kanyang mga bashers. Pinapatulan talaga niya at sinasagot ang mga banat sa kanya.
Kakaiba nga ang character ni Darryl Yap na ikinagugulat ng marami. Sa edad niyang 34 ay ipinagkatiwala sa kanya ni Sen. Imee Marcos at ng Viva Films ang pelikulang tumatalakay sa buhay ng pamilya Marcos. Hindi siya natakot na i-expose sa publiko via his movie ang mga tunay na katauhan-ugali ng Marcos family especially Madam First Lady Imelda Marcos and Sen. Imee Marcos na ginampanan nina Ruffa Gutierrez and Cristine Reyes.
And so far, pumasa at aprubado naman ang lahat ng pamilya Marcos.
Ang tanong, true-blooded Marcos loyalist din ba si Direk Darryl Yap?





Comments