Gilas Youth, sumampa na sa Q'Finals ng FIBA U16 Asia
ni MC - @Sports | June 18, 2022

Hindi pinaporma ng Gilas Pilipinas Youth ang Kazakhstan, 83-60, para makasampa sa quarterfinals ng 2022 FIBA U16 Asian Championship hatinggabi ng Huwebes sa Al-Gharafa Sports Club Multi Purpose Hall sa Doha.
Bumanat si Bryan Competente ng 15 points,six rebounds habang may 13 marka si Jacob Bayla, 9 board, 6 steals at 3 assists para sa Gilas, na makatatapat sa quarterfinal ang Australia sa Group A.
Ang panalo ng Gilas ang maghahatid sa kanila sa 2022 FIBA U17 World Cup mula sa Hulyo 2 hanggang 10 July sa Malaca, Spain. Pasok din sa last 8 ang New Zealand, na tinalo ang Kuwait, 107-57; India, na gumiba sa Indonesia, 97-53; at Lebanon na tinigpas ang Qatar, 78-54.
Makahaharap ng Lebanon ang South Korea habang ang Iran sa New Zealand, at Japan babangga sa Australia. Rumehistro si Kristian Porter ng 12 points at nine rebounds habang si Alex Konov ay ma11 points at 5 rebounds para sa Filipinos, na nagbagsak ng 27 points sa second quarter sa isang makapigil-hiningang 29-26 lead hanggang 53-35 halftime lead.
Nag-init ang Gilas sa tres puntos para sa pitong tagumpay sa 24 na tangka at impresibong 29-percent shooting clip. Nakabalik si playmaker Daniil Severgin mula sa malamyang laro at umiskor ng 24 points, nine rebounds at three assists pra sa Kazakhs, pero nag-empake na sa torneo nang matalo rin sa New Zealand, 67-92, at South Korea, 59-89.





Comments