top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gilas, tutok muna kontra sa Angola, Italya at DR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 17, 2023



Mas tututukan ng Gilas Pilipinas ang sariling paghahanda at hindi muna iisipin ang ibang koponan sa 2023 FIBA World Cup simula Agosto 25 sa Philippine Arena. Para kay Coach Chot Reyes, mahalaga muna ay bigyan ng pansin ang kanilang tatlong laro kontra Dominican Republic, Angola at Italya sa Grupo A.


Kailangan na maganda ang ipakita laban sa mga Dominicano sa unang araw at nagbigay na ng kumpirmasyon si Karl Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves na lalaro siya. Ayon kay Coach Reyes, mahirap bantayan si KAT at kahit sa NBA ay iilan lang ang kaya siyang sabayan.


Magandang balita ang pagdating ni KAT para sa torneo na biglang naging salat sa mga bituin. Kahapon lang ay dumagdag sa liliban si Kristaps Porzingis ng Latvia at Boston Celtics dahil sa pilay sa paa.


Inamin din ni Coach Reyes na tanggap niya na siya ang itinuturing na pinakasusuklamang tao sa Filipino Basketball ngayon. Sa gitna nito ay nangako siya na lalaban ang Gilas at makamit ang isa nilang layunin na makapasok sa Paris 2024 Olympics bilang may pinakamataas na kartada sa mga koponang Asyano.


Samantala, pinatibay ang samahan ng Gilas Pilipinas at “Puso To The Max” ng Max's. Sila na ang magiging opisyal na pritong manok ng pambansang koponan at hudyat ng pagsasama muli matapos ang 2014 World Cup sa Espanya.


Sinamahan si Reyes nina Team Manager Butch Antonio, Justin Brownlee, Kiefer Ravena, Dwight Ramos, AJ Edu at Renz Abando. Tinanggap nila ang regalo na isang taon na libreng pagkain para sa buong pambansang koponan at mga coach at staff nito.


Ang kikitain dito ay mapupunta sa pagsasaayos ng mga Basketball court sa buong bansa sa gabay ng Samahang Basketbol Pilipinas (SBP). May raffle din para sa tiket ng Gilas Pilipinas games.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page