Gilas tinalo ang India Warriors, wagi sa OT
ni Anthony E. Servinio/GA - @Sports | February 26, 2022

Matapang man ang India ay nanaig pa rin ang Gilas Pilipinas, 88-64, sa 2023 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Araneta Coliseum. Ito na ang ikalawang sunod na tagumpay ng mga Pinoy matapos igawad sa kanila ang nakatakdang laban noong Huwebes kontra Timog Korea na nagsabing hindi na sila pupunta ng Pilipinas.
Unang yumuko ang India sa New Zealand, 46-101. Ipinasok ni beteranong gwardiya Vishesh Bhriguvanshi ang unang buslo at hawak ng mga bisita ang 4-2 lamang pero sa 2 minuto ay pumuntos sina Dwight Ramos, Thirdy Ravena at Robert Bolick para maagaw ang lamang, 9-4.
Namuno sa panalo si Ramos na may 17 puntos at Ravena na may 15 puntos. Nag-ambag ng 12 puntos si Roger Pogoy bilang reserba habang 10 puntos si Robert Bolick.
Magpahinga ang mga koponan ngayong Sabado at maghahanda ang Gilas para sa inaasahang mahigpit na laban sa New Zealand sa Linggo simula 7:00 ng gabi sa parehong lugar. Dalawa na rin ang panalo ng Tall Blacks dahil gaya ng Pilipinas, hindi pa rin dumating ang mga Koreano para sa laro nila kahapon.
Samantala, kinumpleto ng NLEX Road Warriors ang isang come-from-behind victory laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa pamamagitan ng 109-100 panalo kahapon sa overtime upang mapatibay ang posisyon ng koponan sa nalalapit na quarterfinals sa PBA Governor’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Muling binuhat ni KJ McDaniels ang Road Warriors ng kumana ito ng 28 puntos sa second half at overtime sa kabuuang 35 points para tulungan ang koponan na mailista ang ikatlong sunod na panalo at mas mapatatag ang pwesto sa team standings sa 7-3 kartada sa solo third place.
Nag-ambag din ng 15pts si Kevin Alas, habang bumira ng tig-13 puntos ang mga beteranong sina Jericho Cruz at Jr Quinahan para suportahan ang koponan na wala ang mga ibang players na sina rookie Calvin Oftana, Anthony Semerad at Mike Miranda dulot ng injuries. Nagtala naman ng 28pts si Henry Walker na na-fouled sa overtime, habang kumana rin ng 27 points si Rey Nambatac at 11pts kay Jayvee Mocon.





Comments