Gilas girls u16 nang talunin ang Iran, angat sa Division A
- BULGAR
- Jul 18, 2023
- 1 min read
ni MC @Sports | July 18, 2023

Umalagwa sa huling bahagi ng second-quarter ang girls ng Gilas Pilipinas under-16 team upang agarang magapi ang Iran at tuluyang pumalaot ang Pilipinas sa 83-60 na pagwawagi sa Division B finals ng FIBA U16 Women’s Asian Championship sa City Arena Prince Hamza kahapon ng umaga.
Napigilan ng Filipinas ang mas matatangkad pero wala pang karanasan na Iranians, first-time participant sa torneo na naungusan agad sa 11 points sa second period at manaig sa scoring kontra sa itinuturing na mabigat na katunggali mula sa Middle East sa bisa ng 22-11, at umalagwa pa sa 41-26 lead sa first half.
Nagpakawala agad ang Gilas Pilipinas ng 9-0 start sa third at napinigilan ang Iran nang walang nagawang field goal sa higit 5 minuto at tuluyang mahawakan ng Pinay cagebelles ang tempo.
Sa third quarter, nagpatuloy sa pagbibigay ng pressure ang Gilas nang hindi man lang pinapaiskor ang Iranians sa unang tatlo at kalahating minuto sa bisa ng matitinding depensa.
Pinahirapan ni Allysa Palma sa kanyang interior defense ang katunggali sa bisa ng two blocks sa unang 4 na minutong laro habang ang ibang Filipinas ay pumukol ng 12 na hindi masagot na puntos ng Iran para sa 53-26 lead nang sundan pa ng three-point basket ni Sophia Canindo sa nalalabing 7:02 sa third at hindi na lumingon pa ng Gilas.
Sa pagwalis sa 5 laro sa torneo at itinanghal na kampeon sa Division B, umangat ang Gilas cagebelles sa Division A ng FIBA U16 Asian Championship at magsisimulang makalaro ang top-tier teams simula sa 2025 edition ng tournament.








Comments