GIGI, MAY NODULES SA LALAMUNAN, STOP SA PAGKANTA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 29, 2023

Dalawang buwan na mamamahinga si Gigi De Lana sa kanyang pagkanta.
Ayon sa singer, time-out muna siya dahil may na-diagnose sa kanyang throat.
Aniya bago nag-perform sa SMDC Date Night nitong Miyerkules ay titigil muna siya sa pagkanta.
Pagbabahagi niya, "Gusto kong sumabay kayo sa akin, kahit 'di n'yo alam ang kanta, kunwari lang. I just want to hear you sing, because I don't know if my voice will remain like this forever.
Because I was diagnosed already sa throat ko, so please pray for me and now magre-rest ako for two months, and ito 'yung gig na talagang pinagbigyan namin."
Two months break, ito ang inanunsiyo ng singer sa gitna ng kanyang performance.
"Opo, mga one to two months, mayroon po akong nodules, pero pre-nodules pa lang po 'yun, parang pa-ano pa lang... So, kailangan ko siyang ipahinga para hindi siya lumala," ani Gigi.
Labis na nag-aalala ang singer sa kahihinatnan ng kanyang boses pagkatapos ng dalawang buwan.
"Of course it's my passion. And, 'yung naisip ko na if ever na mayroon talaga akong nodules, 'yung pagka-checkup sa akin, kailangan mong operahan, 'yung thought na hindi ka makakakanta, it's hard," wika niya.
"Kumakanta ako since bata ako, since I was five, and nag-start akong mag-work ng 5 to 10 sa mga contest, ganyan. Tutulong ka sa magulang mo kung ano ang napanalunan mo, 'yun ang ibabayad sa tuition mo, ganyan.”
Naku, dapat talagang alagaan ni Gigi ang kanyang boses dahil ito ang kanyang puhunan sa pagkanta at bread and butter niya.





Comments