Giga, Sista at Dyip, wagi sa 3X3; Zambo Sibugay, bida sa dobol ot
ni Gerard Arce - @Sports | November 25, 2021

Pinatunayan ng 1st leg champion na TNT Tropang Giga na sila ang ‘team-to-beat’ sa PBA 3X3 “Lakas ng Tatlo” matapos manatiling walang bahid ng pagkatalo sa Pool A sa pagpapatuloy ng 2nd leg sa Ynares Sports Center sa Pasig City kahapon.
Unang tinalo ng TNT na sina Almond Vosotros, Samboy De Leon, Lervin Flores at Fil-American Jeremiah Gray ang grupo ng Zamboanga Valientes nina Mark Cardona, JR Cawaling, Kyle Neypes at Reynaldo Demesa sq 21-18; sinunod ang Sista Super Sealers nina Kenneth Mocon, RJ Argamino, Leo De Vera at Paolo Rivero sa 21-17; at samahang Beermen nina Jhan McHale, Louie Vigil, James Mangahas at Jeff Manday sa iskor na 21-12.
“We’re just got lucky in those three games because we have many lapses. There are still room for improvements in the next games and in to the playoffs,” pahayag ni TNT coach Mau Belen sa mensahe nito sa Bulgar Sports, kung saan nakatakda pa nilang kaharapin ang Cavitex Braves sa huling laro sa habang isinusulat ito.
Meron namang 2-1 record ang Sista nang manalo laban sa Cavitex (22-16) at Zamboanga (22-18), may nasungkit na panalo ang Cavitex laban sa Zamboanga (0-3) sa 21-8.
Nanatiling walang talo sa Pool B ang Terrafirma sa 1-0 nina Terrence Tumalip, Dhon Reverente, Roider Cabrera at Jebb Bulawan nang gulatin ang runner-up winner ng 1st leg na Meralco Bolts 3X3 (1-1) na sina Joseph Sedurifa, Dexter Maiquez, Alfred Batino at Luis Gonzaga III sa 17-14, na naunang pinayuko ang Limitless App Masters nina Brandon Ganuela-Rosser, Jorey Napoles, Reymar Caduyac at Mike Gamboa sa 21-19.
Samantala, nakakuha ng unang panalo ang Zamboanga Sibugay Anak Mindanao Warriors laban sa BYB Kapatagan Buffalos, 89-83 sa double overtime ng mga win-less teams ng elimination round ng 2nd conference ng Pilipinas Chooks-To-Go Vis-Min Cup sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.
Bumitaw ng dalawang magkahiwalay na tres at panselyong lay-up sina Jan Jamon at Mico Sorela para kunin ng Zamboanga Sibugay ang unang panalo at matigil ang two-game losing skid nito.
Nanguna sa puntusan sa Sibugay si veteran Shaq Imperial sa 20 pts at 6 rebounds, habang tumulong din sia Jamon sa 13pts. “Nag-adjust lang kami ng mga weakness namin.
Nahirapan kami sa Buffalo hanggang sa second overtime,” wika ni Imperial matapos ang laro.





Comments