Gibbons at Donaire's, nagkasagutan; Toyama, panalo, San-en tinambakan
- BULGAR
- Feb 7, 2022
- 1 min read
ni MC - @Sports | February 07, 2022

Isang galit na galit na Sean Gibbons ang nakita sa camera na nakikipag-alitan kay 4-division world champion Nonito Donaire Jr., at misis nitong si Rachel.
Sa isang Instagram video na ipinaskel ni Donaire, nakikipagtalo ang MP Promotions President sa Fil-Am boxer. Nakaharap pa sa camera si Gibbons at sumenyas pa ng hindi maganda. “Stand in front of me bro and call my wife a b*tch again and let's see what happens,” saad sa caption ni Donaire sa kanyang Instagram post hinggil kay Gibbons.
Ang dalawang kampo diumano ay may nagaganap nang parinigan o patutsadahan sa social media noon pa pero hindi pa malinaw kung ano ang talagang dahilan ng kanilang harap-harapang komprontasyon.
Samantala, sa kabila ng wala si Dwight Ramos, natalo pa rin ng Toyama Grouses ang nagbabalik na si Javi Gomez de Liaño at kanyang Ibaraki Robots, 96-88 sa Japan V. League noong Sabado sa Adastria Mito Arena.
Nagbalik na si Sans Ramos sa Pilipinas upang makasama ang Gilas Pilipinas sa nalalapit na FIBA World Cup Asian Qualifiers window. Si American import Brice Johnson ang namahala sa double-double 22 points at 15 rebounds.
Nakatulong din si Joshua Smith na may 29 puntos nang makabawi ang Toyama sa nagdaang mga talo at umibayo sa 14-20.
Hindi naman nakaiskor si Gomez de Liaño na namahinga mula noong Enero 3. Sa iba pang laro, hindi pa rin makaporma ang team ni Thirdy Ravena na San-en NeoPhoenix nang matalo sa Ryukyu Golden Kings at tambakan sa 33-points, 110-77.





Comments