top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Giant wins para sa Wizards, Hawks, Lakers at T'wolves

  • BULGAR
  • Mar 20, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 20, 2021




Nakamit ng Washington Wizards ang higanteng panalo at pinatumba ang numero unong Utah Jazz, 131-122, sa NBA kahapon mula sa Capital One Arena. Tumalon agad sa 62-38 na lamang ang Wizards sa second quarter at naging sapat ito sa kabila ng pilit bumalik ng Jazz subalit kinapos sa oras.


Walang nagawa ang depensa ng Jazz na mapigil ang halimaw na laro nina Bradley Beal na nagsabog ng 15 ng kanyang 42 puntos sa fourth quarter at 2017 MVP Russell Westbrook na may triple double na 35 puntos, 15 rebound at 13 assist.


Mabait naman ang Marso sa Atlanta Hawks at perpekto sila sa pitong laro na pinatuloy sa 116-93 pagdurog sa bisitang Oklahoma City Thunder. Parehong nagsumite ng tig-23 puntos sina Trae Young at Bogdan Bogdanovic para sa kartadang 21-20.


Kinuha ng defending champion Los Angeles Lakers ang pagkakataon na bumalik sa pangalawang pwesto sa Western Conference matapos iligpit ang pumalag na Charlotte Hornets, 116-105, at manatiling walang talo matapos ang All-Star Game. Mabigat pa rin si LeBron James sa kanyang 37 puntos.


Hinila pababa ng kulelat na Minnesota Timberwolves sa ikatlong pwesto ang Phoenix Suns, 123-119. Nagtala ng 42 puntos ang numero unong rookie Anthony Edwards. Umulit ang Portland Trail Blazers sa New Orleans Pelicans, 101-93. Ipinakita ni Damian Lillard na hindi tsamba ang 125-124 panalo nila noong isang araw at nagbagsak ngayon ng 36 puntos.


Kumapit ang New York Knicks sa fourth quarter upang takasan ang humahabol na Orlando Magic, 94-93, salamat kay Alec Burks at RJ Barrett na nagsama para sa 13 puntos. Triple double si All-Star Julius Randle na 18 puntos.


Samantala, inihayag ni NBA Commissioner Adam Silver na luluwagan nila ang protocol para sa mga kumpleto ang bakuna para sa COVID-19. Ilan sa mga panukala ay babawasan ang pagsusuri, aalisin ang quarantine at papayagan din ang kumain sa labas at makipag-ugnayan sa mga tagahanga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page