top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Giannis, pinalakas ang Bucks, Morant, bumida sa Grizzlies

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 31, 2023




Pinatunayan ni Giannis Antetokounmpo na tama ang pagboto sa kanya bilang isa sa mga kapitan sa 2023 All-Star Game sa susunod na buwan. Nagpaulan ng 50 puntos ang ”Greek Freak” upang itulak ang Milwaukee Bucks sa 135-110 panalo laban sa New Orleans Pelicans sa NBA kahapon mula sa Fiserv Forum.


Sa first half pa lang ay may 29 na si Giannis at siya ang gumawa ng huling 7 puntos upang itayo ang 62-44 lamang. Tinulungan siya nina Jrue Holiday na may 17 at Brook Lopez na may 15 puntos.


Ito na ang pangalawang beses ngayong taon na gumawa si Giannis ng 50 o mahigit at ika-10 na 40 o mahigit. Noong Enero 3 ay lumikha siya ng 55 laban sa Washington Wizards na pinakamarami sa kanyang 10 taon sa NBA.


Matapos isnabin sa botohan ng All-Star, nagpapansin si Ja Morant at nagtala ng kanyang ika-limang triple double para magwagi ang Memphis Grizzlies sa Indiana Pacers, 112-100. Ang 30 head coach ng liga ang pipili sa 22 reserba na maglalaro sa Vivint Arena ng Utah Jazz sa Pebrero 20, petsa sa Pilipinas.


Nagtapos si Morant na may 27 puntos, 10 rebound at 15 assist at mas mahalaga ay winakas ng Memphis ang kanilang limang magkasunod na talo. Bago ang mga talo, sumasabay ang Grizzlies sa karera para sa liderato ng Western Conference kasama ang ngayon ay nag-iisang numero unong Denver Nuggets.


Samantala, inamin ng National Basketball Referees Association na nagkamali talaga ang mga humawak sa kontrobersyal na laro kung saan nanaig Boston Celtics sa Los Angeles Lakers sa overtime, 125-121, noong isang araw bunga ng hindi pagtawag ng foul sa paghampas ni Jayson Tatum sa braso ni LeBron James sa huling mga segundo ng 4th quarter.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page