top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Giannis at Wiggins, bida sa Bucks at Warriors

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 21, 2021





Binuksan ng NBA World Champion Milwaukee Bucks ang pormal na depensa ng korona sa isang 127-104 panalo sa bisitang Brooklyn Nets sa unang araw ng 2021-2022 National Basketball Association (NBA) sa Fiserv Forum. Gumawa rin ng ingay ang Golden State Warriors at ginulat ang Los Angeles Lakers, 121-114, sa Staples Center.


Hindi nag-aksaya ng panahon si Giannis Antetokounmpo at bumuhos agad ng 13 puntos sa first quarter upang itulak ang Bucks sa 37-25 na lamang at hindi na nila binitiwan ito. Hindi nagpatawad ang Milwaukee at tuloy-tuloy ang arangkada at ang huling iskor ay siya ring pinakamalaking lamang sa buong laro.


Nagtapos si Antetokounmpo na may 32 puntos. Sinundan nina Khris Middleton at Pat Connaughton na parehong may tig-20 puntos. Naglaro ang Nets na wala ang suspendidong si Kyrie Irving dahil hindi pa bakunado at kumuha ng opensa kay Kevin Durant na may 32 puntos.


Nag-ambag ng 21 puntos si Patty Mills habang may 20 puntos si James Harden.


Bumanat ang Warriors sa 4th quarter at ipinasok ni Andrew Wiggins ang tres, 115-103 sa 2:36 sa orasan. Mula roon ay siniguro nina Stephen Curry, Damion Lee at Andre Iguodala ang tagumpay sa free throws upang pigilan ang huling hirit nina LeBron James at Anthony Davis.


Nagtala si Curry ng triple double na 21 puntos. Sinundan ni Jordan Poole sa 20 puntos.


Nasayang ang 34 puntos at 11 rebound ni James.


Samantala, opisyal na sisimulan ni Fil-Am rookie Jalen Green ang karera bilang atletang propesyunal ng Houston Rockets laban sa Minnesota Timberwolves ngayon.


Mahusay ang ipinamalas ni Green sa Las Vegas Summer League at Preseason Games at malaki ang inaasahan sa kanya na angatin ang Rockets mula sa pinakakulelat na kartada noong 2020, 17-55.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page