top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Giaann Tsie, nagwagi sa Women's Month Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 01, 2023



Nakitaan ng husay noong Miyerkules si Giaann Tsie dahil nasikwat nito ang panalo sa 2023 National Women's Month Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Sinakyan ni jockey Ryan Base, isinunod lang nito ang Giaann Tsie sa nangungunang Alta Mombis sa largahan.


Pagdating ng far turn ay lumalapit na ng bahagya ang anak nina Smart Farda at My Aday na Giaann Tsie sa unahan at pagsungaw ng rektahan ay nasa pangalawang puwesto na ang winning horse. Isinigaw ng race caller ang Giaann Tsie dahil malakas ang dating nito sa rektahan kaya naagaw ang unahan at tinawid ang meta ng may isa't kalahating kabayong agwat sa pumangalawang Right Answer.


Inirehistro ng Giaann Tsie ang tiyempong 1:27 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si AM De Ubago ang P10,000 karagdagang premyo.


Terserong dumating si One Of A Kind habang pumang-apat ang Oh Rotie na ginabayan ni JR. De Ocampo.


Samantala, bukas na ilalarga ang 2023 PHILRACOM Henry Cojuangco Cup na pakakawalan sa parehong lugar.


Inaasahang patok sa liyamadista ang kalahok na Righteous Ruby na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee, Jonathan Basco Hernandez.


Ang ibang kalahok na nagsaad ng pagsali sina Bombay Nights, Civics Class, Runway Dreamer, Shastaloo, Time For Glory at Treasure Hunting, nakalaan ang P1.5M premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa distansiyang 1,800 meter race.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page