GF, umaming bangungot ang relasyon nila… PAOLO, TODO-PAKIUSAP NA MAGING FRIENDS SILA NI YEN
- BULGAR
- 23 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 30, 2025
Photo File: Paolo Contis at Yen Santos - IG
May pakiusap si Paolo Contis sa ex-GF na si Yen Santos matapos ibunyag ng aktres ang kanyang bangungot na dinanas sa piling ng aktor.
Sey ni Paolo, puwede naman daw silang maging magkaibigan ni Yen kahit tapos na ang kanilang relasyon.
Hindi itinanggi ni Paolo ang mga alegasyon sa kanya ni Yen. Wala siyang panunumbat sa dating karelasyon. Gusto rin niyang maka-move on na ito sa kanilang breakup.
Well, makakatagpo pa kaya si Paolo Contis ng bagong pag-ibig pagkatapos siyang sira-siraan ni Yen Santos?
Bistado na ang pagiging chickboy ni Contis kaya tiyak na hindi na basta magtitiwala ang sinumang babae na kanyang liligawan.
Hindi marrying type si Paolo Contis. At hindi sigurado kung magpapakasal pa siya ‘pag muling umibig.
Sey nga ng mga netizens, dapat behave at magtino na si Contis dahil wala na si Manay Lolit Solis (SLN) na manager niya para magtanggol sa kanya.
Nauntog sa pang-aagaw kay Paolo, umamin…
LJ KAY YEN: TOO LATE NA ANG PAGSO-SORRY
NAGLABAS na ng kanyang saloobin si LJ Reyes nang makarating sa kanya ang paghingi ng tawad ni Yen Santos, ang third party sa paghihiwalay nila noon ni Paolo Contis.
Post ni LJ sa socmed, “Maligaya na ako sa buhay ko ngayon! Too late na ang iyong pagso-sorry.” Nakatagpo na ng bagong pag-ibig si LJ Reyes at tinanggap ang dalawa niyang anak bukod sa pinakasalan siya ni Philip Evangelista.
Ikinasal sina LJ at Philip sa New York, USA noong Oct. 8 2023 at garden wedding ang naganap.
Tuluyan nang nakalimutan ni LJ Reyes ang malungkot na kabanata ng kanyang buhay sa piling ni Paolo Contis.
Sa kanyang mga anak na sina Aki at Summer niya ibinuhos ang kanyang panahon. At nagpapasalamat siya sa kanyang mister na si Philip Evangelista dahil minahal siya at ang dalawa niyang anak.
STAR of the hour ang PBB Celebrity Collab housemate na si Shuvee Etrata dahil ang lakas ng karisma niya sa tao! Hindi man siya ang tinanghal na PBB Celebrity Collab Edition Big Winner, dumagsa naman ang mga offers na malalaking product endorsements.
Kabi-kabila rin ang kanyang TV guestings. Dumami rin bigla ang kanyang mga fans.
Marami ang natutuwa sa pagiging jologs at down-to-earth ni Shuvee Etrata. Natural na natural siyang kumilos at magsalita at hindi feeling big star.
Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing sisikat pa nang husto ang Island Girl na si Shuvee Etrata.
Samantala, marami naman ang pumupuri sa friendship nina Shuvee at Ashley Ortega. Dati na pala silang magkaibigan noong nagkasama sila sa seryeng Heart On Ice ng GMA-7 na si Ashley ang bida.
Kaya nang magkasama sina Ashley at Shuvee sa PBB Celebrity Collab Edition, si Ashley ang umalalay kay Shuvee upang maka-adjust sa loob ng Bahay ni Kuya!
Magaan ang loob ni Ashley kay Shuvee kaya niyaya niya ito noon na tumira na sa condo niya bago siya pumasok sa Bahay ni Kuya.
Comments