GF, tanggap ng mga anak… SAM, UMAMING PAPUNTA NA SILA NI RHIAN SA KASALAN
- BULGAR
- Aug 14
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 14, 2025
Photo: Sam Verzosa - IG
No regrets ang TV host-public servant boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam “SV” Verzosa hindi man siya pinalad na manalong mayor ng Maynila.
Kung matatandaan, nagbenta pa ng kanyang mga luxury cars noon si SV para makapagpatayo ng mobile clinics at dialysis center para sa mga Manilenyo.
Aniya, tuloy pa rin naman ang kanyang pagtulong hindi lang sa mga taga-Manila kundi maging sa iba't ibang lalawigan thru their foundation ng bestfriend na si RS Francisco mula sa kanilang Frontrow business.
Sa ngayon, balik-business na si Sam at mas marami na rin silang time ng girlfriend na si Rhian Ramos para sa isa't isa.
Araw-araw nga raw silang magkasama ngayon, although nilinaw ni Sam na hindi pa naman sila magka-live-in ni Rhian na busy naman sa kanyang seryeng Sang'gre.
Tinanong namin si SV kung ano pa ba ang kulang sa kanya at bakit ‘di pa sila nagpapakasal ni Rhian gayung financially stable naman na siya at nasa tamang edad na rin. Ano ba ang pumipigil sa kanya?
Diretsong sagot nito, “Walang naghi-hinder sa akin. Actually, du'n na ako papunta. ‘Yun na! Du'n tayo papunta,” kasunod ang napakatamis na ngiti.
Proposal na lang ang kulang?
“Oras na lang ang hinihintay, actually,” diretsong sagot nito.
Handang-handa na raw siyang magpakasal at nakikita niyang wife material si Rhian.
“Siyempre, I wouldn't be with her. Four years na ho kami, ang bilis nga ng panahon, eh.
“Alam mo ‘yung 4 yrs., makikilala mo na ‘yung tao and I'm so happy na kung anuman ‘yung pagmamahal namin dati nu’ng nag-uumpisa kami — kasi sabi nila ‘pag tumatagal, bumababa raw — kung ano ‘yung pagmamahal ko nu'ng simula, ngayon na apat na taon na kami, mas tumindi pa,” pag-amin ni SV na tiyak na lalong ikinahaba ng hair ni Rhian.
Natanong din namin si SV kung gusto ba niyang maging full-time wife si Rhian ‘pag ikinasal na sila.
Aniya, “Hindi. Kasi si Rhian, ano, eh, she's a very talented person, she's smart, she’s outgoing, she's everything that some people don't know about her is talagang napakatalino niya, napakadaming talent. She can do whatever she wants to do. So I wouldn't hinder that and put her sa bahay lang kasi she's more than that, eh.”
Alam daw niyang napakarami pang pangarap ni Rhian at hindi siya hahadlang sa mga ito, sa halip ay all-out support siya sa lahat ng gusto nitong gawin.
Samantala, as a future stepmom ng kanyang mga anak, puring-puri rin ni SV si Rhian na napakabait daw nito.
Na-meet na rin daw ng GF ang kanyang tatlong anak at one time ay nagsama-sama pa nga raw sila sa London kaya matagal naka-bonding ni Rhian ang panganay ni Sam.
So, ayun na, oks na oks naman na pala talaga kaya abang-abang na lang tayo kung kailan magaganap ang kasalang Sam Verzosa at Rhian Ramos.
Mga co-stars, ‘di invited…
BDAY PARTY NI MARIAN, PAMPAMILYA AT BFF LANG
BONGGA pero mukhang intimate party lang ang katatapos na birthday celebration ni Marian Rivera para sa kanyang 41st birthday.
Makikita kasi sa party na halos mga kapamilya at malalapit na non-showbiz friends at ilang bosses lang nila ni Dingdong Dantes sa GMA-7 ang nandu'n.
May mga naghahanap nga kung invited ba ang mga kapwa-Kapuso ni Marian at kasamahan sa Stars On The Floor na sina Alden Richards, Pokwang at iba pang artista pero si Boobay lang ang nakita namin sa party.
Well, nakilala namin si Marian na hindi naman talaga mahilig mag-party at okay lang sa kanya kahit maliit lang ang kanyang circle of friends as long as alam niyang totoo sa kanya.
Makasama lang ang kanyang pamilya at mga kamag-anak at close friends nila ay sapat na.
Hindi si Marian ang tipo ng artista na makikipagplastikan at ita-try i-please ang isang tao magustuhan lang siya.
At siguro naman, sa 41st birthday ni Marian, mas nadagdagan pa ang kanyang maturity at napagtanto na niya what really matters to her.
So, ang importante, happy siya with the people she loves during her birthday, kaya let's be happy for her na lang din.
Comments