GF, pasok sa Hollywood movie… ENRIQUE, BITBIT ANG BUONG FAMILY SA TATE PARA KAY LIZA
ni Nitz Miralles - @Bida | August 14, 2022

By this time, nagkita na siguro sina Enrique Gil at Liza Soberano dahil lumipad pa-New Orleans si Enrique para dalawin ang girlfriend sa shooting nito sa Amerika ng pelikulang Lisa Frankenstein.
Sa isang post na nakita namin, lumipad pa-Los Angeles, California si Enrique at may caption na: “Bye LA, see you soon, New Orleans.”
Kasama raw ni Enrique ang kanyang pamilya sa pagbisita kay Liza sa shooting nito.
Ang daming pumupuri kay Enrique dahil sa ipinapakitang pagmamahal at support kay Liza.
Umaasa ang mga fans na kahit sumikat sa Hollywood si Liza, hindi pa rin nito makalimutan si Enrique.
Marami pala ang nag-congratulate kay Liza for the Hollywood movie na kanyang gagawin. Sa post ni Liza na “Ecstatic to be part of this film,” kasama ang news clip ng Deadline na kasama ang photo niya sa cast, nag-congratulate sina Matteo Guidicelli, Alan Alandy, Kevin Kwan, Maymay Entrata, Max Collins, Gab Valenciano, Tonet Jadaone, Mond Gutierrez, Sofia Andres, Mae Cruz Alviar at marami pang celebrities.





Comments