top of page

GF ni Carlos Yulo, todo-kampi sa ex ni Kobe… CHLOE, PINURI SI KYLINE SA PAGIGING TOTOO, TINAWAG NA EPAL AT MAHILIG SUMAWSAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 27, 2025



Photo: Chloe San Jose at Kyline Alcantara - IG


Tinawag na nakisawsaw si Chloe San Jose sa isyu ni Kyline Alcantara dahil lang nag-react at nai-share ng girlfriend ni Carlos Yulo ang quote ni Kyline sa April issue ng Cosmopolitan Philippines.


May sinabi si Kyline na, “I really don’t have to explain myself. I am comfortable with that. I can sleep peacefully at night with that. I can live with that.”  


Nag-comment lang naman si Chloe ng “Authentic, strong & independent gals, unite! @itskylinealcantara go babes,” may mga nag-react na.


Sinabihan si Chloe na huwag umepal, mahilig sumawsaw, pampam at nakialam sa isyu ng may isyu. 


Gusto raw ni Chloe ma-bash dahil lang sa comment na ‘yun na actually, wala namang masama. May nagsabi pang huwag patulan si Chloe dahil sisikat lang at hindi naman ito artista.


Wala kaming makitang mali sa comment ni Chloe. Tayo nga, nagko-comment sa isyu nina Kyline at Kobe. Bakit si Chloe, hindi puwede? 


Mas grabe pa nga ang comments ng mga netizens na may kumampi kay Kyline at may kumampi kay Kobe.


May nag-comment tuloy na sana, magkaroon ng chance na magkita sina Kyline at Chloe para personal na masabi ng GF ni Carlos kay Kyline na gusto niya ang pagiging independent at pagka-authentic nito.


Kaya lang, sanay nang ma-bash si Chloe, dedma tiyak ito sa mga negative reactions sa kanyang comment patungkol kay Kyline Alcantara.



“Yes po,” ang sagot ni Alden Richards sa tanong kung nag-enroll ba siya sa isang flight school. 

Ibig sabihin nito, tutuparin na ng aktor ang matagal na niyang pangarap na maging piloto at ‘yung photo niya na nasa Alpha Aviation Group siya siguro ang time na nag-enroll siya.

Ang ganda nga ng photo ni Alden, nakahawak sa logo ng flight school at may hawak na folder habang nasa training sections at ang caption ay: “Reaching new heights, one flight at a time.”

Sa kanyang Instagram (IG) Stories, nabanggit ni Alden na nakapag-land siya ng plane via flight simulator. Kasama niya nang magpalipad ng airplane ang dad niyang si Daddy Bae na ayon kay Alden, pinangarap ding maging piloto.

Nasa Clark, Pampanga lang ang pilot training school, malapit lang puntahan at hindi magiging cause ng pagkasira ng schedule ni Alden. 

Naisip nga ng mga fans ng aktor na baka ang pag-e-enroll sa flight school ang rason kung bakit hindi muna siya gagawa ng TV series ngayon at pelikula muna ang gagawin, at isang dance reality show sa GMA-7.

In fact, this Sunday na ang launching ng dance reality series hosted by Alden titled Stars On The Floor (SOTF)

Sa launching, malalaman natin kung tama ang balitang isa si Marian Rivera sa magiging judges ng SOTF.



MAY chance palang magkrus ang landas ni Kyline Alcantara at ng girl na nakunan ng photo na ka-holding hands ng ex niyang si Kobe Paras sa Bali, Indonesia. Ito ay dahil recording artist pala ang girl under O/C Records na kundi kami nagkakamali ay pagmamay-ari ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.


So, kulang pala ang nabanggit namin na influencer at TikToker lang si girl dahil recording artist din siya. Malay natin at i-launch ang single niya sa All-Out Sundays (AOS) at naroon si Kyline, magkikita talaga sila.


May bagong photo si Kobe at ang girl na nasa tabi sila ng pool, kaya lang, hindi pa rin nakita ang face nito at hita lang ang nakita. 


Sabi ng mga netizens, malapit na ang face reveal sa girl, kaya abang-abang lang tayo. Tila Rhaila Tomakin daw ang pangalan ng girl.



NAKULANGAN ang ibang nakabasa sa sagot ni Rachel Alejandro na, “Thank you for loving him,” sa post ng partner ng late dad niyang si Hajji Alejandro na si Alynna Velasquez na actually, reaction sa post ni Rachel tungkol sa kanila ng dad niya.


Nabanggit ni Alynna na mahal niya pareho sina Haji at Rachel at tinawag itong “best father and daughter team”. 


Dagdag pa ni Alynna, “I will miss you both being on the same stage singing and dancing together.”


May sinabi pa siyang “Rachel, remember that your dad’s mighty proud of you.

Always. He will always be there in your heart singing with you. Our ANGELito.”


Comment ng mga netizens, ang iksi ng sagot ni Rachel, na mabilis kinontra ng iba. Short but meaningful daw ang sagot ni Rachel kay Alynna. 


Baka gusto lang ng naiklian sa reply ni Rachel na ma-bash ito. Saka, nagluluksa pa ang pamilya ni Hajji, pabayaan muna sila at ang mas maganda nga, tigilan na ang pang-iintriga.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page