GF ng aktor, relax lang daw… PRAMIS NI IVANA: GERALD, NEVER AAGAWIN KAY JULIA
ni Nitz Miralles - @Bida | July 4, 2022

In-assure ni Ivana Alawi si Julia Barretto na wala itong dapat ikabahala sa pagsasama nila ni Gerald Anderson sa TV series ng ABS-CBN na A Family Affair.
“I think it’s very important they know na inirerespeto ko ‘yung tao, inirerespeto ko ‘yung relationship niya. And I wouldn’t want something to happen to me na, kunwari, I believe kung ano'ng gawin mo sa iba, mangyayari rin sa 'yo. You’ll never see me steal anyone from anyone. Never.”
Hindi naman yata natatakot si Julia na baka ma-fall si Gerald kay Ivana, ang netizens lang naman ang nag-assume na mai-in love si Gerald kay Ivana at iiwan si Julia.
Parang sobrang lalim na ng relasyon nina Gerald at Julia at wala nang espasyo para mawala ang tiwala nila sa isa’t isa.





Comments