top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

GF, nasalo ang wedding bouquet… DANIEL, KUMANTANG ASAP NA ANG KASAL NILA NI KATHRYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 4, 2023



Nag-viral agad ang video ng kasal ni Direk Cathy Garcia-Molina, kung saan ay makikitang nasalo ni Kathryn Bernardo ang bridal bouquet.


Ginanap ang intimate beach wedding ni Direk Cathy with cinematographer Louie Sampano last May 2 sa Zambales na dinaluhan ng ilang Kapamilya stars kabilang na ang magdyowang sina Kathryn at Daniel Padilla.


Sa mga videos ng kasal na lumabas sa social media, talagang kinilig ang mga KathNiel fans na si Kathryn ang nakasalo ng bridal bouquet at maging sa naging reaksiyon ni Daniel, pati na ng mga tao sa paligid.


Makikita sa video na inulan ng kantiyawan mula sa mga bisita si Kathryn nang masalo nito ang bouquet. May isang sumigaw pa nga ng "DJ, nakuha! Pa’no ba 'yan? DJ!”


Sumagot naman si Daniel ng "Bukas na bukas din!"


Maririnig din ang sinabi ng isang bisita na "Grabe! Meant to be talaga!"


Ang cute rin ng video na ibinahagi ni Janus del Prado kung saan ay makikitang isinusuot ni Daniel kay Kathryn ang wedding garter.


Hindi umabot sa tuhod ni Kathryn ang wedding garter kaya kinantiyawan si DJ ng "Higher!"


Sabi ni Daniel, "Masyado nang mataas, pare! Conservative ako."


Makikitang aliw na aliw ang mga attendees sa magdyowang sina Kathryn at Daniel, pati na rin ang bride and groom.


Sobrang kilig naman ng mga KathNiel fans at wish nila na sana nga ay ikasal na ang dalawa. Almost 11 yrs. na rin ang relasyon nina Kath and DJ kaya naman ang lahat ay nag-aabang na kung kailan ba sila ikakasal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page