GF, napag-iwanan na ng mga kasabayan sa Siyete…MAVY, NAHILA PABABA ANG CAREER NI KYLINE
- BULGAR
- Aug 10, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 10, 2023

Tama lang na pinaghiwalay muna sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi at nagkani-kanya sila sa kanilang mga proyekto. Hindi makakabuti sa career nila kung lagi silang magkasama at matatali sa love team.
Nawawalan ng challenge at hindi lumulutang kung anuman ang kaya pa nilang gawin.
Magaling na artista si Kyline. Puwede siyang gumanap bilang bida o kontrabida. Ilang beses na siyang nagbida sa serye ng GMA Network.
Maganda ang feedback sa kanya ng mga nakatrabaho niyang veteran stars. Kaya dapat ay matagal nang nag-level-up nang husto ang kanyang career.
Pero nang pinagtambal nga sila ni Mavy ay medyo nag-slow down ang pagsikat niya.
Mabuti na lang at ngayon ay mahaharap na nang husto ni Kyline ang kanyang acting career. Babawi siya at handa nang tumanggap ng mga challenging roles.
Hindi naman madadamay o maaapektuhan ang kanilang relasyon ni Mavy kung bibigyan niya ng prayoridad ang kanyang career.
Hindi nila kailangang mag-iwasan at hindi na magkita pa. Kailangan lang na mag-focus sa kanyang career si Kyline ngayon dahil napag-iiwanan na siya ng ilang baguhang young actresses ng GMA Network.
Matagal niyang pinaghirapan ang magkaroon ng career. Dapat niya itong alagaan at ipaglaban.





Comments