GF, nagpa-convert pa na maging INC… RURU, IPINAGSIGAWANG SI BIANCA NA ANG 'THE ONE' PARA SA KANYA
- BULGAR
- Sep 5, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 5, 2022

Buong-ningning na inamin ni Ruru Mardrid na ang girlfriend na si Bianca Umali na ang “the one” for him.
“I would say yeah, yes po,” diretsong sagot ng bida ng Lolong nang tanungin siya ni Toni Gonzaga kung si Bianca na ang “the one.”
Ayon kay Ruru sa panayam sa kanya ni Toni sa vlog nito, na kay Bianca na ang lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang babae.
“Simula nu'ng time na parang umabot ako ru’n sa point na puwede na akong magkaroon ng relationship, ngayon lang ako nakakita ng tao na parang susuportahan ako nang sobra. Ganu’n din siya, natatanggap din niya ‘yun.
“And willing siya na mag-take ng risk para lang ipakita niya sa 'kin or iparamdam kung gaano ako kaimportante sa kanya. So, ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae, nasa kanya na,” pahayag ni Ruru.
Nagpaliwanag din ang Kapuso actor kung bakit inilihim nila noong una sa publiko ang kanilang relasyon.
“It’s hard, eh. I mean, parehas po kaming galing sa love team and it was really hard. Parang lahat ng gawin n’yo, binabantayan.
“So, ito na lang ‘yung natitirang bagay sa akin na maki-keep ko sa sarili ko. Yes, ganu’n siya kasagrado sa akin,” aniya.
Napag-usapan din sa panayam ang tungkol sa pagpapa-convert ni Bianca ng relihiyon. Isa na siyang Iglesia Ni Cristo tulad ni Ruru.
Pero ani Ruru ay hindi lang naman daw siya entirely ang dahilan kung bakit nagpa-convert si Bianca. Marami raw prosesong pagdaraanan bago maging miyembro ng INC.
“Inaral po muna niya and same din with me. Kaya parang somehow, hindi ko masasabi na just because of me kaya niya ginawa ‘yun,” sabi ni Ruru na INC na since birth.
Samantala, masayang-masaya si Ruru sa mataas na ratings and positive feedbacks na natatanggap ng Lolong.
“Ang sarap lang sa puso. Hindi ko mapigilang maging emotional every time na pinag-uusapan ‘yung Lolong or ‘yung show na ‘yan kasi iba ‘yung hirap na pinagdaanan, hindi lang po ako, I mean, sa lahat ng taong bumubuo ng show,” sey ni Ruru.
Tatlong taon daw ang hinintay niya bago natuloy ang Lolong. Pre-pandemic pa raw nang pinlano ito at na-delay nang na-delay ang taping because of the pandemic.
Kaya naman ngayong finally ay natuloy na’t napakaganda ng pagtanggap ng mga tao, sulit na sulit daw ang lahat ng kanilang paghihintay.





Comments