top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

GF na sexy actress, kahit binugbog pa… KIT, KAYANG PATAWARIN NG PAMILYA NI ANA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 30, 2022




“Fix yourself,” ang mensahe ni Ana Jalandoni sa ex-boyfriend na si Kit Thompson.


Humarap sa entertainment press si Ana last Monday matapos ang pambubugbog sa kanya ni Kit sa isang hotel sa Tagaytay mahigit isang linggo na ang nakararaan.


Sa nasabing mediacon ay idinetalye ni Ana ang ginawa sa kanya ni Kit. Ilang beses nag-breakdown ang aktres-producer at ramdam na ramdam namin ang hirap ng kanyang kalooban sa tuwing inaalala ang nangyari.


Ipinrisinta rin ng mga lawyers ni Ana sa pangunguna ni Atty. Faye Singson ang mga larawan ng aktres matapos ang insidente na talagang bugbog-sarado ang mukha at puro pasa sa iba’t ibang parte ng katawan.


Ana revealed na may anger management problem si Kit at hindi iyon ang unang pagkakataon na sinaktan siya pero pinalampas niya noon dahil sa pag-asang baka magbago pa ito.


Desidido si Ana at ang kanyang pamilya na papanagutin si Kit sa ginawa nito. Ayon sa ama ng aktres na si Mr. Lawrence Jalandoni, kaya naman daw nilang patawarin ang aktor pero dapat ay mapatawan pa rin ito ng karampatang parusa sa ginawa sa anak niya.


Mensahe naman ni Ana sa mga kababaihang tulad niya ay nakakaranas din ng physical abuse, huwag nilang hayaang masaktan sila ng mga lalaki.


“Hindi po ‘yan dapat gayahin ng kahit sinuman. Dapat labanan n’yo po, lakasan n’yo po ang loob n’yo. Huwag po kayong papayag na saktan kayo ng isang lalaki,” she said.


Sa ngayon ay nahaharap si Kit sa reklamong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act.


Samantala, bukas ang pahina ng BULGAR para sa pahayag ni Kit o ng kanyang kampo.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page